60: Someone is jealous

3.7M 67.6K 45.2K
                                    

JEYDON

"So, buo na 'yong Badburn?" Nakatingin lang ako sa yosi ni Kie. Minsan nate-tempt akong magyosi pero naiisip ko kasi si Candice. Ayaw niya sa mga nagyoyosi kaya kahit na parang nanunuyo na 'yong lalamunan ko, tinitiis ko. Laking tulong pa ng tatlong 'yon, palaging nagyoyosi sa harap ko, leche talaga.

"Tayong apat at 'yong Section Eleven, hindi tayo gano'n kadami kumpara sa bagong Phoenix pero maasahan naman 'yong mga 'yon." Tama si Troy, hindi nadadaan sa dami 'yong lakas ng isang grupo.

"May idea na ba kayo kung sino 'yong bagong leader ng Phoenix?" Tumingin ako sa langit, inalala ko 'yong grupong pinamunuan ko dati. Hindi ko kayang isipin na 'yong pangalang pinangalagaan ko, wala na dahil sa gagong leader na 'yon. Sirang-sira na 'yong pangalan ng Phoenix sa mga kagaguhang pinaggagawa nila. Kung sino man siya, 'yong bagong leader ng dati kong grupo, magbabayad siya sa pagsira sa Phoenix.

"Kung sino man siya nakakasigurado akong malakas siya. Pero kung titingnan mo 'yong mga alagad niya, wala silang ibubuga sa 'tin," sabi ni Tanda.

"Sa gwapong mukha ko pa lang, wala na silang ibubuga sa 'tin, e! Wahaha!" Ilang ulit ko bang sasabihin kay Troy na kung may gwapo man sa 'ming apat, ako 'yon. Pambihira talaga, hanggang sa mga oras na 'yon, nangangarap pa rin siya.

"Hoy, Troy. Alalahanin mong mas gwapo ako sa 'yo, tandaan mo 'yan." Isa pa 'yong si Tanda, e, huwag niyang sabihing future bayaw ko siya kaya dapat walang kontra. Haha!

"Nagtatalo pa kayo, e, nandito lang naman sa harap n'yo 'yong pinakagwapo." Lintek, pati ba naman si Marky?

Napatingin ako sa relo ko, shit! Malapit na palang mag-lunch. Mabuti pa, puntahan ko na lang si Candice kesa makinig sa nonsense na usapang 'yon. Ako naman kasi talaga 'yong pinakapogi sa 'ming apat, e. Tss. Hindi lang matanggap ng tatlo.

"Huwag na kayong magtalo."

Napatingin silang tatlo sa 'kin.

"Naimbento lang naman 'yong salitang gwapo noong pinanganak ako."

"Ulol!" sabay pa silang tatlo. Tsk, mga kontrabida talaga sila kahit kailan.

"Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ka ng kapatid ko, e." Tinatanong pa ba 'yon? Malamang, ang pogi ko, e. Wahaha!

"Ano ka ba, Charles? Ako naman talaga ang gusto ni Candice, e. Kaso kawawa naman si Jaydee kaya nagparaya lang ako." Anong pinagsasabi niya? Tumawa pa siya, ako kaya ang gusto ni Candice, ako lang.

"Hindi niya ako gusto, mahal niya ko."

Natawa si Charles tsaka si Marky. Akala mo, wala nang bukas kung makatawa, e. Batukan ko kaya sila. Totoo naman, ah! Hindi ako gusto ni Candice kasi mahal niya ako.

"Paano mo naman nasabing mahal ka ni Candice? Grabeng joke 'yon, ah." Sige, tawa pa.

Sumandal ako sa pader at humarap ako sa dalawa. Sabagay, wala pa palang alam 'yong dalawang ugok na 'yon. Si Troy, tahimik lang kasi alam na niyang kami na ni Candice. Mas mabuti pang sabihin ko na sa dalawang 'yon, lalo na kay Charles.

"'Yon nga pala ang gusto kong sabihin sa inyong dalawa. Kasi—"

"Sila na ni Candice."

Napatingin silang dalawa kay Troy. Nanlaki agad 'yong mga mata ni Charles. Tumingin siya sa 'kin, pabalik kay Troy tapos sa 'kin ulit. Pucha talaga si Troy! Inunahan pa ako.

"Kayo na?!" Gulat na gulat si Charles. Si Marky naman, tawa nang tawa. Humanda ka talaga sa 'kin, Troy! Panira ka ng moment, e.

"Kailan naging kayo, ha?"

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon