Chapter 18: Make Over

3.4M 78.6K 32.1K
                                    


"Saan ka pupunta?" Hinila ako ni Troy.

E, saan pa ba? E di, uuwi na! "Ayokong mag-make over!"

"Ano ka ba? Para 'yon sa Miss Campus! Bakit ba ayaw mo?" 

Bakit nga ba? Hindi ko alam.

"Hayaan mo siya, Troy. Kung ayaw niya, e di, huwag. Wala namang magbabago kahit mag-make over pa siya, e! Siya pa rin 'yong pangit na nerd."

Ah, gano'n, Jeydon? "Ang yabang mo! Sige, tingnan natin! Sige magpapa-make over na ako!"

"Si Jaydee lang pala ang kailangan, e. Tara na nga!"

Inakbayan kami ni Troy tapos pumasok na kami sa loob, hinanap namin sina Mama. Bakit nga ba ayoko? Kasi baka mamaya, kahit mag-make over ako, pangit pa rin ang kalabasan.

"Ayun sila, o!" Tinuro ni Troy sina Mama sa tapat ng salon.

"Hi, Candice!" bati sa 'kin ng mama ni Troy.

Ang ganda naman niya. Pareho sila ni Mama, may edad na pero maganda pa rin. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na 'yong girlfriend ni Troy ay matanda na rin? Well, I meant mas matanda sa kanya at may asawa na.

"I'm Tracey, just call me Tita!"

"Hello po!"

"Mom, kayo na po ang bahala kay Candice. Maglilibot lang kami ni Jeydon."

"Okay. Text ko na lang kayo kapag tapos na kami. Bye, Jaydee!"

"Bye, Troy, Jeydon!" Si Mama kakaiba 'yong ngiti kay Jeydon. Ano na naman kaya ang nasa isip niya? Mukhang nag-iisip na naman nang may malisya sa 'min ni Jeydon.

"See you later po. Bye, Betty!" Kinindatan ako ni Jeydon. Tss. Akala naman niya, ang gwapo niya kapag kumikindat, hays. Oo nga, gwapo nga.

"So, let's start?"

"Ano po ang gagawin natin, Tita?"

"We will do some magic, baby!"

Ay, kalog din pala 'yong mama ni Troy. Kakaiba 'yong tawa, e! Si Mama nakangiti lang sa 'kin, so alam na niya talaga. Sigurado akong si Troy ang nagsabi no'n. Kinabahan ako na excited sa magiging resulta.

Noong umupo na ako sa may upuan, may lumapit sa 'king bading.

"Hi, Miss Candice! Alam mo, maganda sana 'tong buhok mo, hindi lang naaalagaan. Don't worry, kasi akong bahala riyan."

Anong gusto niyang sabihin? Pabaya ako sa sarili ko? Hindi lang naman ako mahilig mag-ayos, e, huhu. Tumango na lang ako.

Tinanaw ko sina Mama, ayon nagpa-salon din. Bakit kasi nadamay pa ako? Pero okay na rin 'yon. Magpapaka-choosy pa ba ko? Siyempre, gusto ko ring umayos ang hitsura ko.

Nagsimula na sila sa buhok ko, dalawa silang nag-ayos sa 'kin. After i-shampoo ang buhok ko, may kung anu-anong nilagay 'yong bakla sa buhok ko. Minsan nga, nangangati ako sa nilagay niya, e. Ayoko namang umangal. Ang tagal ayusin ng buhok ko, ire-rebond daw kasi nila. Habang inaayos naman ng isang bading 'yong buhok ko, 'yong isang babae naman, inahitan 'yong kilay ko. Makapal kasi 'yong kilay ko, hindi naman kasi ako nag-aahit o nagbubunot ng kilay.

Siguro, mga tatlong oras na kami sa salon, hindi pa rin daw tapos. Kukulayan pa raw nila ng kulay brown tapos lalagyan ng shape 'yong buhok ko. Gutom na ako! Nasaan kaya sina Mama?

"Baby, o. Kumain ka muna." Speaking of.

"Thank you, Ma. Nasaan si Tita Tracey?" Kinuha ko agad 'yong donut kay Mama, nagugutom na kaya ako.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon