Chapter 5: Trouble

3.8M 81.9K 18.1K
                                    


Nag-ring ang doorbell. Pagbukas ko, nagulat ako noong nakita ko si Jeydon na kasama ni Troy. Si Jeydon Lopez na mortal enemy ko.

"Anong ginagawa ng nilalang na 'yan dito?"

"Hindi ka ba masayang nandito ako? Candice, my loves?"

My loves? Yuck. Tiningnan ko lang siya na para akong nandidiri sa kanya.

"Alam kong ikaw lang, Troy, ang pinapa-tutor sa 'kin ni Sir Jason, hindi 'yang kutong-lupang 'yan! Pasok!"
Tumingin muna si Troy kay Jeydon bago pumasok sa bahay namin.

"At ikaw? Layas!" utos ko kay Jeydon.

"Ang sama mo naman! Sasama lang namang mag-aral, e." Nagpaawa effect pa. Akala mo kung sinong anghel. 'Sus, ang sama naman ng ugali. "Sama na ako, please."

"Akala ko ba 'This is war,' ha? E di, war! Akala mo, hindi kita papatulan porket ikaw 'yong hari ng school? Bahay ko 'to kaya wala kang magagawa! Alis!" Sinara ko na 'yong pinto bago pa man siya makapagsalita.

"Bakit ba galit na galit ka kay Jeydon? Akala ko ba, gusto mo siya?"

"Ako, gusto siya? Never mangyayari 'yon! Isa pa, ginugulo niya 'yong buhay ko kaya galit ako sa kanya at sa 'yo!"

"So hindi pala tayo pwedeng maging magkaibigan?" Kahit cute siya, hindi ko maiwasang magalit. Sa profile photo pa lang na inilagay niya sa Facebook, e.

"Hindi and we will never be!"

Umakyat ako sa kwarto para kunin 'yong mga libro ko sa science. Pagkababa ko, nagsimula agad kami. Sabi ko kasi, hindi ko na sila kakausapin at papansinin pero ewan ko ba. Kapag sila 'yong kaharap ko, hindi mapigilan ng bibig kong patulan 'yong mga pang-iinis at pang-aasar nila sa 'kin.

Sa totoo lang, hindi naman ako ganoon kasi. Usually, kapag inaasar ako sa school, dedma lang ako.

Mga dalawang oras na kaming nag-aaral ni Troy. Okay naman siya. Kabisado naman niya 'yong mga formula sa bawat problems, kaya nagtaka ako kung bakit kailangan pa niya ng tutor. Siguro sinabi niya kay Sir Jason na kailangan niya ng tutor at ako 'yong pinili niya para mainis nila ako.

"Alam mo, akala ko, tahimik ka lang. Hindi ko nga alam na nagsasalita ka pala. Grabe, war freak ka rin pala!"

"Tahimik talaga ako. Tahimik 'yong buhay ko pero simula nang umepal kayo sa buhay ko, gumulo na ang lahat!"

Hinila ko siya palabas ng bahay, ang bigat pala niya. Pagdating namin sa pinto, tinulak ko siya nang malakas na malakas, nasubsob tuloy siya sa sahig. Masama na kung masama pero bagay lang 'yan sa kanya.

"Grabe! Amazona ka na pala, Candice! Patas?"

Bumalik ako sa loob ng bahay, kumuha agad ako ng tubig at pagbalik ko, binuhusan ko 'yon sa kanya.

"'Yan ang patas! Umalis na kayo sa buhay ko!" Sobrang lakas ng pagkasara ko sa pintuan, akala ko, masisira na 'yon. Pagkasara ko pa lang, may kumatok na naman.

"Hi, Candice, my loves."

Bakit nandito na naman siya?! "Bakit nandito ka na naman, Jeydon?! Lumayas ka rito!"

"Hoy, bakit? Sa 'yo lang ba 'tong bahay? Bisita ko siya," sabi ng napakagaling kong Kuya.

"Whatever!" Umalis agad ako at umakyat sa kwarto ko.

Kailan ba mawawala sa buhay ko 'yong lokong 'yon? Makita ko pa lang, kumukulo na 'yong dugo ko. My loves pa ang tawag niya sa 'kin. Kahit gwapo siya, hindi ko siya gusto kasi si Marky 'yong gusto ko.

"Hi, Candice, my loves."

Siya na naman?! "Shut up!"

"Bakit ba galit na galit ka sa 'kin? Ganyan ka ba magpakita ng pagkagusto sa isang lalaki?"

"Anong pinagsasasabi mo?"

Lumapit pa siya lalo sa 'kin. "Gusto mo ako, 'di ba?"
Hinagisan ko siya ng unan, ayaw pa rin niyang umalis. Kailan ba niya ako titigilan? "Hindi kita gusto kaya umalis ka na!"

Tumayo siya, tumayo rin ako para i-lock 'yong pintuan. Pagkatayo namin, dumating si Cholo tapos tumalon siya kay Jeydon.

"Ahhhh!" Natumba siya at nadadaganan niya ako.

"Waaa! Umalis ka sa harapan ko!" 'Yong mga katawan namin, magkaharap. Jusko! 'Yong mukha niya nakaharap sa mukha ko at teka, brown eyes pala siya.

"Paalisin mo nga 'yong aso mo sa likod ko!"

"Cholo! Alis! Ang bigat mong lalaki ka!"

"Huwag kang gagalaw. Mamaya, mahalikan kita, e!"

Biglang bumalik sa 'kin 'yong nangyari sa janitor's room. Hinalikan na niya ako tapos nagbabalak na naman siya! May gusto ba siya sa 'kin?

"Anong nangyayari rito?!" sigaw ni Kuya.

Si Cholo, nakapatong kay Jeydon. Si Jeydon, nakapatong sa 'kin at magkaharap 'yong mga mukha namin. Great!

"Cholo, halika nga!"

Pagkakuha ni Kuya kay Cholo, tinulak ko agad si Jeydon palayo.

"Dre, una na ako! Bukas na lang tayo mag-practice."
"Sige, pakisara na lang 'yong pinto tsaka gate, dre."
Pagkaalis ni Jeydon sa kwarto ko, ang sama ng tingin sa 'kin ni Kuya.

"Ano 'yon, ha?"

"Ha? Alin?" Ano bang pinagsasabi niya?

"Akala ko ba, magkaaway kayo?"

"Oo nga! Siya lang naman 'yong dikit nang dikit sa 'kin, e. Yuck!"

Binatukan niya ako.

"Ouch!"

"Lakas mong mag-ilusyon, e! Basta layuan mo siya, silang tatlo."

"Silang tatlo? Bakit?" Bakit kasama si Marky?

"Mga player 'yan, mato-trouble ka lang. At pwede ba? Alisin mo na 'yang pagkagusto mo kay Jeydon o kahit kanino sa tatlo."

Hindi! Paano si Marky?

➖➖➖

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon