65: It's a DATE.

3.4M 80.4K 30.7K
                                    

"Hop in."

Akala ko, may artista sa harap ko. Super gwapo ng lalaking nakasakay sa nakakasilaw na Porsche Boxster. Muntik na ngang malaglag ang panga ko noong nakita ko siya, e. Buti na lang naalala ko, boyfriend ko nga pala 'siya. Haha!

"Saan tayo pupunta?" Sumakay ako sa napakaganda niyang kotse tapos ngumisi siya sa 'kin. Ano na naman ang trip ni Jeydon?

"We're going on a date." Nilagay niya 'yong seat belt ko tapos hinalikan niya ako sa pisngi. Hobby niya talagang halikan ako, e, 'no?

"Saan naman tayo magde-date, baby?"

"Secret," sabay kindat.

Pinaandar niya 'yong kotse. Akala ko, maghihiwalay 'yong katawan ko sa kaluluwa ko sa bilis niyang magpatakbo. Hindi ko nga alam kung mabilis lang ba talaga 'yong kotse niya o mabilis lang talaga siyang magpatakbo. Malayu-layo rin 'yong biyahe namin, muntik na nga akong makatulog, e. Do'n ko lang din napansing pasaway na driver pala si Jeydon. Noong nasa stoplight kami, kahit naka-red 'yong ilaw, nag-go pa rin siya. Sinamaan ko nga siya ng tingin pero tumawa lang siya. Sabi niya, wala naman daw kotse pero hindi pa rin okay 'yon, 'no?! Tapos nag-counterflow pa sa one-way road tsaka nag-park sa no parking zone. Ang bad boy talaga ng boyfriend kong 'yon.

Noong malapit na kami sa pupuntahan namin, doon ko lang nalaman kung saan ba talaga kami magde-date. Bigla na lang akong napangiti. Bumalik kasi sa 'kin 'yong memory namin doon, e. Nakaramdam ako ng excitement.

"We're here. Are you ready?"

Tumango lang ako sa kanya. Tinanggal niya 'yong seat belt ko tapos pagkalapit ng mukha niya sa mukha ko, hinalikan niya ulit 'yong pisngi ko. See? Hobby niya talagang halikan ako, e. Feeling ko tuloy, nag-blush ako sa ginawa niya.

Bumaba agad siya sa kotse tapos pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagbaba ko, ang daming nakatingin sa 'min, karamihan, mga babae. Habang nakatingin sila sa 'min nagbubulungan sila, 'yong iba, ang sama pa ng tingin sa 'kin. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit sila nagkaganoon. Ikaw ba naman ang pagbuksan ng pinto ng kotse ng isang napakagwapong lalaki, not to mention napakagwapo rin ng kotse, este, sportscar niya.

Inakbayan ako ni Jeydon papunta ro'n sa hotel. Hindi pa rin inaalis no'ng mga tao 'yong tingin nila sa 'min. Ang abnormal ko na yata. Feeling ko kasi, ang haba-haba ng buhok ko, kasinghaba ng kay Rapunzel. Wahaha! Ikaw ba naman ang maging boyfriend si Jeydon Lopez, e, ewan ko na lang.

"Ang ganda talaga rito sa Tagaytay, na-miss ko rito." Tiningnan ko siya pero nakangisi siya sa 'kin.

"Ako rin na-miss ko rito, na-miss ko 'yong..." Nakaakbay pa rin siya sa 'kin habang papunta kami sa front desk ng hotel. Lumapit siya sa tenga ko. "Na-miss ko 'yong kiss natin dito."

Muntik na akong matigilan sa sinabi niya. Waaa! Naalala pa talaga niya 'yon, ah. Kapag naiisip ko 'yon, nag-iinit 'yong pisngi ko. Hindi ko makakalimutan 'yong kiss naming 'yon, 'yong kiss namin habang umuulan sa may secret house.

"Good morning, Mr. Lopez," bati sa kanya no'ng babae sa may front desk. Feeling ko, may gusto siya kay Jeydon, para kasing kinikilig pa siya, e.

"'Yong pina-reserve kong room please." Hindi ko makita 'yong mukha ni Jeydon kasi nasa harap niya ako pero feeling ko, ngumiti siya sa babaeng 'yon. Akala mo, hihimatayin na siya, e. Hello? Girlfriend here!

"Ito na po, Mr. Lopez. Enjoy your stay here." Grabe, kinikilig pa rin? Enjoy ko 'yang mukha niya, e. Hinila ko na agad si Jeydon palayo ro'n. Ang harot ni Ate, e!

Pumasok kami sa elevator, do'n kami sa sixth floor naka-reserve. Ang ganda roon, iba 'yon doon sa hotel na pinuntahan nami dati noong nag-double date kami. Pagpasok namin sa kwartong pina-reserve niya, wow na lang ang nasabi ko. Ang ganda kasi tsaka ang laki. Ang laki rin ng bintana, kitang-kita 'yong tanawin.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon