67: Worried boyfriend

3M 63.8K 20.8K
                                    

CANDICE

Parang kailan lang, kinaiinisan ko siya. 'Yong makita ko pa lang 'yong mukha niya, nag-iinit na agad 'yong ulo ko. 'Yong kapag nandiyan siya, hindi ako matahimik. Ayoko pa nga siyang kausapin o kahit tabihan man lang. I just hated him back then, but after three months, ibang-iba na kami. Kapag hindi ko siya nakikita, parang hindi kumpleto 'yong araw ko. Kapag hindi ko siya nakakausap, nalulungkot ako. Palagi ko siyang iniisip tsaka palagi rin akong nag-aalala sa kanya. Akalain mo 'yon, ha? Tumagal kami nang tatlong buwan? Ano kayang ginawa sa 'kin ng pusang robot na 'yon?

Bakit mahal na mahal ko na siya?

"Hoy, Pusa... ang tagal mo namang mag-text."

Pinatong ko sa study table 'yong ulo ko. Malapit nang mag-12 AM pero hindi pa rin nagte-text si Jeydon. Antok na antok na nga ako, e, bigla na lang kasing hindi nag-reply 'yong pusang 'yon. For sure, bukas sa flag ceremony, aantukin na naman ako at kasalanan lahat 'yon ng magaling kong boyfriend! Huhu, bad trip naman kasi, sabi niya, huwag daw muna akong matulog tapos bigla namang hindi na magte-text. Sira-ulo talaga 'yong pusang 'yon!

"Candice, matulog ka na."

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko, si Kuya Charles lang pala.

"May pasok pa tayo bukas."

"E, bakit ikaw? Gising ka pa rin naman, ah?"

Binato niya ako bigla ng unan. Waaa! Ang bad niya, natamaan ako ro'n, ah! "Ang sakit no'n, ah!"

"Sumunod ka nga sa 'kin. Matulog ka na!" tapos umalis na siya.

Seriously? Papatulugin niya ako tapos siya, gising pa? Makatarungan ba 'yon? Paano ko kaya siya susundin no'n? Hays, matatanda nga naman. Makatulog na nga. For sure, tulog na 'yong pusang 'yon, e.

Humiga ako sa kama tapos tiningnan ko ulit 'yong cellphone ko pero wala pa ring text ni Jeydon. Natulog na ako. Kapag bukas, wala siyang text sa 'kin, kakalbuhin ko siya. Wahaha! Humanda ka sa 'kin, Jeydon!

Pinikit ko na lang 'yong mga mata ko. Hay, inantok na talaga ako.

***

"Manang, gising na!"

Teka lang, five minutes pa.

"Hoy, Candice!"

Ang ear drums ko! Ang sakit sa tenga ng boses ni Kuya. Gustung-gusto ko nang dumilat para tumigil na siya sa pagsigaw sa 'kin kaso antok pa rin talaga ako, e.

"Aba, ayaw mong gumising, ah."

Oo, ayaw ko pa kaya ikaw diyan, Kuya, manahimik ka dahil natutulog pa ako. Akala mo, ka kagandahan 'yong boses mo? Huwag mo muna akong gisi—"Waaaaaa!"

Anak ng siopao ang lamig no'n, ah! Binuhusan niya ako ng napakalamig na tubig! Anong klaseng kapatid siya? Wala man lang siyang puso. Huhu! Nabuhay tuloy bigla 'yong katawang lupa ko.

"Haha! Ayaw mo pang magising, ha? O, e di, naligo ka ngayon!" Tumawa-tawa pa siya. Argh! nakakainis talaga.

"Sige, tawa pa! Next time, bubuhusan kita ng kumukulong tubig!"

Aba, tumawa pa rin siya. Hindi ba ako nakakatakot kapag ako 'yong nagsabi no'n?

"Alis na nga! Naiinis lang ako sa 'yo, Kuya!"

"Sabi ko kasi sa 'yo, matulog ka nang maaga. Ayan, tinanghali ka tuloy ng gising."

Tinulak ko siya palayo ng kwarto ko.

"Tell me, ikaw ba 'yong male-late? Hindi naman, 'di ba? Ako! Kaya ikaw, kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!" Sinarahan ko nga siya ng pintuan. Ayan! Dapat lang sa 'yo 'yan, Kuya! Huhu, istorbo ka sa pagtulog ko, e.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon