52: Aso't Pusa

3.8M 85.5K 72.1K
                                    

"Manang, bakit ang aga mong nagising?"

"Wala lang. Baka ma-late ako, e, hehe." Kumuha agad ako ng pagkain. Napatingin ako kina Mama, Yaya at Kuya. Nakatingin silang tatlo sa 'kin. Anong meron?

"Ayaw ma-late o baka kasi may naghihintay sa 'yo sa labas?"

Napatayo ako bigla. Nasa labas na si Jeydon? Bakit ang aga naman yata niya?

"Relax ka lang, huy! Wala pa si Jeydon."

Amp! Akala ko naman, nandoon na siya agad. Pinagtawanan pa ako ni Kuya Charles.

"Oy, Kuya, pinagti-trip-an mo ako, ah. Gusto mong papuntahin ko rito si Ate Serina?"

Sumama agad 'yong timpla ng mukha niya. "Bastos ka rin, e, 'no? Kumakain ako tapos babanggitin mo 'yong pangalan ng babaeng 'yon!"

"Bakit, nandidiri ka ba sa maganda kong pangalan, Charles?"

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Sakto, si Ate Serina. Wow, ang sexy niya sa suot niya, mukhang magwo-work out yata siya.

"Waaaa! Bakit nandito ka, ha?!" Gulat na gulat si Kuya. Haha! Lagot ka ngayon.

"Bakit may angal ka ba?" ang angas talaga ni Ate Serina. Siya lang talaga ang may lakas ng loob na barahin si Kuya Charles. Hindi siya natatakot kahit mag-transform pa si Kuya sa pagiging super sayan.

"Charles, ako ang nagpapunta kay Serina rito. Tuturuan niya kasi kami ni Yaya Linda mag-work out." Waaa? Sila ni Yaya, magwo-work out? Anong nakain nilang dalawa?

"Work out? Bakit, gym instructor na ba 'yang si Sirena? Tss."

Umupo si Ate Serina sa tabi ni Kuya Charles tapos kinuha niya 'yong kinakain ni Kuya na pancake.

"Hoy! Akin 'yan!"

"Alam mo, Charles, mas magaling pa ako sa isang gym instructor." Kumindat si Ate kay Kuya. Si Kuya naman, parang nandiri, ang cute nilang tingnan.

"Serina, hija, madali lang ba 'yang gagawin natin? Baka atakihin ako ng rayuma, e."

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Yaya Linda.

"Madali lang po ito, Yaya Linda. Parang ganito lang..." Ini-stretch niya 'yong kamay niya tapos sinandya niyang tamaan 'yong mukha ni Kuya Charles. "Oops! Sorry!"

"Ouch, ang sakit no'n, ah! Amazona ka talagang babae ka. Umalis ka na nga lang! Ang aga-aga, nanggugulo ka."

"Bakit ako aalis? Kakarating ko nga lang, e. Ay, nga pala. May poging lalaking naghihintay sa labas ng bahay n'yo."

Waaa! Baka si Jeydon na 'yon.

"Huy, Manang! Ayan na 'yong manliligaw mo!"

"Manliligaw mo 'yon, Candice?" Hindi ko pa nga pala nakwento kay Ate Serina. "Ang gwapo, ah!"

"Ate, mamaya ko na po ikukwento. Alis na po ako! Bye!" Kinuha ko 'yong gamit ko tapos lumabas na ako ng bahay.

Pagdating ko sa labas, nakita ko na si Jeydon na nakasandal sa gate namin. Aba! Wala siyang dalang sasakyan, ah. Kanina pa kaya siya roon? Bakit hindi man lang siya nag-doorbell?

"Kanina ka pa?"

"Bakit ang tagal mo?!"

Waaaa! Masama yata ang gising ng pusang 'to. "Maaga kaya akong nagising! E, malay ko bang nasa labas ka na? Uso ang kumatok, ah."

Kinuha niya bigla 'yong bag ko. "Tss, dapat alam mo nang nasa labas na ako. Next time, ayokong pinaghihintay ako." Naglakad na siya. E, malay ko bang nandoon na siya! Paano ko naman malalaman? Hindi naman ako manghuhula. Amp! Abnormal talaga niya. Sinundan ko na lang siya.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon