Chapter 32: Im your Nurse

3.6M 77.4K 28.7K
                                    


Ang aga kong nagising. Nakalimutan kong Sabado na pala noong araw na 'yon.

Ano kayang magandang gawin? Hindi na ko makakatulog ulit nito, e. Hmpf. Alam ko na, makapag-jogging na nga lang. Tama! Kailangan kong mag-exercise. Tumataba na ako, e! Huhu. Para naman hindi ako katawa-tawa sa finals ng Miss Campus.

Nagpalit na lang ako agad ng pantakbo para after kong kumain, aalis na ako agad habang hindi pa tirik 'yong araw.

Pagbaba ko, nakita ko na sina Mama at Yaya. Ang aga din nilang nagising. Amoy ko na agad 'yong niluluto ni Yaya na bacon. Yum! My favorite.

"Good morning, Mama! Yaya!"

"Hi, baby! Ang aga pa, ah. Wala ka namang pasok."

"Nawala po sa isip ko na Sabado na pala. Hehe."

"Talaga? Dati naman, inip na inip kang dumating 'yong weekends. Magjo-jogging ka ba?"

"Opo, Mama!"

"Tamang-tama pala 'yong luto ni Yaya. Kumain ka muna."

"Teka lang, Candice, maluluto na rin 'tong bacon ko."

"Naglalaway na ako sa amoy, Yaya!"

Binilisan ni Yaya 'yong pagluto niya. Nagutom na kasi ako sa amoy, e. Noong nilapag naman ni Yaya 'yong food, kumain na ako agad. Akala mo, isang araw akong hindi kumain, e! Kahit ang dami kong nakain kagabi, parang gutom na gutom pa rin ako.

Nagpababa lang ako ng kinain tapos nagpaalam na ako kina Mama na magjo-jogging na ako. Dapat isasama ko si Cholo kaso tulog pa, e. Yong Chow Chow talagang 'yon, mana kay Kuya Charles, tulog-mantika. Hmm. Galit pa rin kaya sa 'kin si Oppa? Sana hindi na. Miss ko na ang asaran namin, e.

Habang nagjo-jogging ako, pumasok sa isip ko 'yong sinabi sa 'kin ni Mama. Dati kasi, kapag ganoong weekend, ang saya-saya ko kasi walang pasok. Mananahimik ako sa bahay, magdamag na magbabasa ng libro, tsaka palagi akong tanghali nagigising kapag weekend. Kaso dahil ang aga kong nagising, feeling ko, may pasok pa rin kami. Ewan ko ba kung dati, dahil lang sa pag-aaral kaya ako pumapasok sa school pero parang iba na noong mga nakaraang araw. Parang mas na-excite akong pumasok sa school.

Ang bilis nga ng panahon. Dalawang linggo na pala 'yong nakalipas simula noong napansin ako, hindi lang nina Troy, Marky at Jeydon kundi pati ng buong school.

'Yong tahimik na buhay ko. 'Yong kada lunch pupunta lang ako ng library. 'Yong walang pumapansin sa 'kin kahit saan ako magpunta sa school. 'Yong forever alone na drama ko. Wala man lang akong kaibigan kahit isa. Tingin nila sa 'kin pangit na nerd ako, weirdo at walang kwenta.

Ngayon, total opposite na.

Ngayon, kilala na nila ako. Hindi lang bilang kapatid ni Charles. Bilang Candice Gonzales na. Ngayon, may kaibigan na ako. Si Tiffany at akalain mo bang pati si Troy? Isang Troy Mendoza? Best friends nga raw kami, e. Well sabagay, best friend na naman talaga ang turing ko sa kanya. Isa pa, hindi na ako 'yong nerd na pangit at manang manamit. Ngayon, 'yong mga nang-aasar sa 'kin sa Section Eleven, akalain mo ba namang todo-suporta na sila sa 'kin? Hays. Pati nga 'yong lalaking hinahangaan ko, 'yong lalaking tatlong taon kong naging crush, napansin na rin ako. Hindi lang 'yon, sinabi niya pa sa 'king may gusto rin siya sa 'kin.

At siyempre hindi pa ro'n nagtatapos. 'Yong tahimik kong buhay, ang gulo-gulo na. Dahil lang naman sa abnormal na Jeydon na 'yon na walang ibang alam gawin kundi guluhin ang buhay ko. Siya talaga ang may pakana ng lahat ng 'yon, e.

"Ouch!" Diretso sa lupa 'yong pwet ko. Huhu! Ang sakit.

"Naku! Sorry, miss... Teka, Candice?"

Pagkaangat ko ng ulo ko, may nakita akong isang diyosa. Diyosang kamukha ni Jeydon. Nasilaw yata ako sa kagandahan niya.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon