58: Officially yours

3.4M 71.9K 43.6K
                                    

I love you.

Three words, eight letters.

Maliban kay Papa at kay Kuya Charles, never pa akong nasabihan ng "I love you" ng isang lalaki sa buong buhay ko. Noong narinig ko 'yong "I love you" galing kay Jeydon, tumaas lahat ng balahibo sa katawan ko. First time niya akong sinabihan ng "I love you." 'Yong pagkakasabi pa niya, napakaseryoso. Ramdam kong 'totoo, 'yong galing sa puso. Sobrang saya kong marinig 'yon kay Jeydon, sa taong mahal ko rin.

"Can I kiss you?"

Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Hindi ako sumagot, ngumiti lang ako. Nakatingin lang din ako sa mga mata niya, sa magaganda niyang mga mata. Unti-unti niyang inilapit 'yong mukha niya sa mukha ko. Pumikit na lang ako and the next thing I knew, he's already kissing me.

Parang fisrt kiss ko siya, nag-kiss na kami dati ni Jeydon pero noong oras na 'yon, kakaiba, e. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko, nag-slow-motion na naman ang mundo ko. Feeling ko, dalawa lang kami roon. Never ko pang naramdaman 'yong ganoon, hindi ko maipaliwanag. Basta si Jeydon lang ang nasa isip ko.

Habang nagki-kiss kami, nilagay niya 'yong kamay niya sa bewang ko. Nilagay ko naman 'yong kamay ko sa batok niya. Alam mo 'yong parang nagsasayaw kaming dalawa habang nagki-kiss kami. Sobrang sarap sa pakiramdam, feeling ko, lumulutang ako. Hindi ako marunong humalik, kaya sinundan ko lang 'yong ginawa ng labi niya. Alam mo 'yong halik na may kasamang love? 'Yong hindi basta-bastang kiss lang. 'Yong kiss na dala ng emotion. Para nga akong nasa cloud nine. Hindi ko alam kung OA lang ba talaga ako o talagang ganoon 'yong pakiramdam kapag hinahalikan si Jeydon. 'Yong parang ayaw mong bumitaw sa kiss n'yo, 'yong kiss na napaka-perfect.

Bumitaw na si Jeydon sa kiss namin. Akala ko isang oras kaming nagki-kiss pero sa totoo lang, ilang minuto lang naman 'yon. Nakatingin lang ulit siya sa mga mata ko. Kahit medyo madilim, nakita ko pa rin 'yong maganda niyang mata. 'Yong mga matang parang tinatawag ka, hindi ko tuloy maialis 'yong tingin ko sa kanya. Hindi ko napigilang mapangiti. Sa tingin kasi sa 'kin ni Jeydon, parang sinasabi na niya kung gaano siya kasayang kasama ako. Kung gaano niya ako kamahal.

"I love you. I love you, Candice."

Kusa na naman akong napangiti, 'yong ngiting aabot na yata sa langit. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam na marinig na mahal ka rin ng taong mahal mo. Hindi ko maipaliwanag 'yong nararamdaman ko pero isa lang ang nasisigurado ko, masaya ko. Masayang-masaya ako dahil kay Jeydon.

"Jeydon, saranghae."

Oo, mahal ko na siya, mahal ko na rin si Jeydon. Kaya sobrang saya ko kapag kasama ko siya. Kaya kahit na abnormal siya, kahit na bad boy siya, tanggap ko pa rin siya kasi mahal ko siya.

"Ipangako mo sa 'kin, sa 'kin ka lang." Hindi pa rin niya inalis 'yong tingin niya sa 'kin. Hinawakan niya 'yong mukha ko.

"Pangako." Hinawakan ko 'yong kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Ngumiti ako sa kanya, gano'n din siya.

"Ako'y sa 'yo at ika 'y sa 'kin lamang..." Kinanta niya 'yon, kinanta niya habang nakatitig siya sa 'kin. Feeling ko tuloy, ako si Kathryn tapos siya si Daniel.

Alam mo 'yong nagpipigil ng kilig? Ako 'yon, e. Jeydon, ano bang ginagawa mo sa 'kin? Sobrang pinapakilig mo ako. Sobra mo akong pinapasaya.

"Pangako 'yan, ha?"

"Pinky swear."

Nag-pinky swear kaming dalawa. Para kaming mga bata pero okay lang, masaya naman, e.

Then he kissed me again. A kiss on the lips under the moonlight. Para sa 'kin parang fairytale 'yong moment na 'yon. Hindi ko na pala kailangan maging prinsesa para maramdaman 'yon.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon