CHAPTER 28

14.1K 226 25
                                    

ERIN'S POV

"Whoa! Piste ang init. Jusko!" Inis na sambit ko habang naglalakad. Punyemas talaga! Ang layo na kaya ng nalalakad ko pero heto, naglalakad pa rin ako.

Nakalimutan ko rin kasing magdala ng payong e. Ano na? Ang ganda-gandang babae, bobo naman.

Bakit ba kasi hindi ako nagdala?

Nagdadabog ako habang naglalakad. Naiinis ako e! Kaunti na lang naman kaya sige na. Natatanaw ko na kasi ang mansyon ni Red.

"Lakad pa! Kaunti na lang! Magtiis ka sa init! Lakad pa! Yeah!"  Kinakanta ko pa 'yan habang naglalakad.

Pinagkasya ko na lang muna ang sarili sa pagtingin tingin ng mga bahay rito. Hanep talaga. Ang gaganda! Mga yayamanin e.

Ano kayang itsura ng bahay nila Red 'no? 'Yong bahay nila ng pamilya niya. Hindi pa kasi ako nakakapunta roon. Paano ba naman, dito na agad kami tumira ni Red ni hindi man lang ako nakasilip doon.

Kung tatanungin ang bahay namin. Ayos lang naman. Mayaman naman kami noon. Nagkasakit lang talaga ang Mama ko at natanggal naman si Papa sa trabaho niya. Simula noong pangyayaring 'yon.

Kailan kaya nila makakalimutan 'yon. Alam ko namang nang dahil doon kaya naging ganito ang pamumuhay namin. Sabagay, hindi ko sila masisisi. Kahit ako nga rin, hindi makalimutan iyon.

Ang drama ko na. Maglakad na nga lang ako!

Nang matanawan ko na ang bahay namin este bahay niya pala. Hindi naman akin 'yon. Bida-bida, Erin? In fact nakikitira lang ako.

Mabilis akong tumakbo papasok ng gate.

"Shuta! Pakiramdam ko, natusta ako roon a." Sambit ko pa.

Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit napatigil ako. Kailangan ko munang ihanda ang sarili ko. Back to cold aura muna tayo.  Di ba nga war kami?  Kaya ayon! Sanayin mo na ang sarili mo sa pagiging tahimik, Erin.

Huminga muna ako ng malalim saka ko binuksan ang pinto.

Nakaupong Red ang bumungad sa 'kin. Prente siyang nakaupo sa couch at mukhang inaabangan ang oras.

Teka, naabangan ba ang oras?

Tumikhim muna ako bago naglakad. Napansin niya siguro ako kaya napatingin siya sa'kin. Agad siyang tumayo at nagsimulang maglakad palapit sa akin.

Napatigil ako.

Punyemas! Kinakabahan ako!

Pinagkatitigan niya ako nang makalapit siya sa akin. Buong tapang ko namang sinalubong ang kaniyang tingin. Kunyare, hindi kinakabahan.

"Where have you been?" Tanong niya. Napairap ako.

"Sinabi ko sayong magkikita kami ni Luhan, diba? Bobo lang?"

Mariin siyang napapikit at may ibinulong.

"Fine! Bakit ang tagal niyo?"

"Kumain kami! Alangan naman magtitigan lang kami roon?"

"And then?"

Iisa-isahin niya ba ang mga ginawa namin? Siya nga 'tong tumawag pa talaga kay Luhan e! Panira.

"Namasyal." napairap naman siya sa sinagot ko.

"Saan kayo pumunta?"

"Are you sure? Sana sumama ka na lang. Mike Enriquez ikaw ba 'yan? Ano 'to, imbestigador?!" Inis na sambit ko.

Hindi ko na napigilan. Parang sunod-sunod iyon na lumabas sa bunganga ko. Ganiyan nga siguro pag pinanganak ng madaldal.

Malutong siyang nagmura. Nagulat ako dahil parang nagalit ko yata siya.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now