CHAPTER 22

12.5K 198 23
                                    

ERIN'S POV

Nanatili ako sa loob ng kuwarto. Wala na akong pakialam kung ano man ang ginagawa nila. Wala na akong pakialam sa kanila.

Ngunit natigilan ako nang unti-unting tumulo ang mga luha ko.

Kahit pala anong pigil ko hindi ko pa rin kaya. Kahit anong tanggi ko, masakit pa rin talaga.

Punyemas! Umasa na naman ako.

Ang tanga tanga mo, Erin!

Napasimangot ako sa buwisit kong utak

Ang ganda ganda mo Erin!

Ganiyan dapat! Tanga na nga ako, kailangan ba ipangalandakan pa 'yon?

Bakit kasi umasa na naman ako doon sa walang'yang, pulang 'yon! Obvious naman na hindi ako ang gusto niya. Pero punyemas talaga niya!

Nanikip ang dibdib ko sa kaiiyak. Sabi ko, hindi dapat ako umiyak eh! Kasi hindi siya kawalan. Pero, sinong niloloko ko?

Hinawakan ko ang dibdib ko kasi parang hindi na ako makahinga.

Kinapa-kapa ko pa ito. Lalo tuloy akong naiyak.

"Wala nga pala akong dibdib." Lumuluhang sambit ko.

Naalala ko 'yong suot ni Macy. Ang ganda at ang sexy, bagay sa kaniya. Napanguso ako nang maalala rin kung gaano siya biniyayaan ng dibdib. 'Yon talaga ang gusto ni Red! 'Yong tipong nalulunod na siya sa sobrang laki!

Inis kong pinunasan ang mga pisngi. Tangina niya ah. Bahala siya riyan. Edi magpakalunod siya!

At ang lalong nagpapasikip ng dibdib ko, ay 'yong pagsagot niya kay Macy.

Love you too, raw! Huhu!

Napagdesisyunan ko nang bumaba baka naman wala na sila roon diba? Alangan naman buong oras silang magtukaan diyan.

Pababa pa lang ako ay narinig ko na ang mga boses ng mga animals! Sadya animals sila.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Si Red. Nangunot ang noo ko nang mahimigan ang galit sa kaniya.

Bumaba na ako ng tuluyan at sinilip kung anong ginagawa nila.

Nakatayo sila pareho. Nakatalikod sa gawi ko si Red samantalang si Macy naman ay nakaharap sa'kin. Kaya kitang kita ko ang pangit niyang mukha.

"What? Alin ba ha?" Si Macy.

"Why did you kiss me?" Naiinis na saad ni Red.

Bakit niya pa tinatanong? Eh ginusto rin naman niya?

Tumanggi ka, Pula nang masapak kita!

Macy rolled her eyes. "Of course! Girlfriend mo ako 'no? Ano ba dapat ang ginawa ko? Dasalan ka?"

Nanlaki ang mga mata ko. Wow, savage!

Napahawak sa noo si Red. "Pero narito si Erin! Bakit kailangang gawin mo 'yon? At hindi kita girlfriend, Macy."

Natigilan si Macy sa sinabi ng kaharap niya. Ako man ay nagulat na hindi niya pala girlfriend itong babaeng 'to pero nag 'i love you too, kuno siya. Duh. At isa pa, nagtukaan sila, tapos hindi pala girlfriend?

At saka ano naman sa kaniya kung sa harapan ko nila ginawa 'yon? Diba mas bet nga niya na masaktan ako ng bongga! At bakit hindi niya pinigilan kung ayaw niya talaga?

Lulululu, scam ka.

Tigilan mo ako, Pula. Tadyakan kita diyan!

"I don't care! Dapat lang na makita niya!" Sigaw ng buwisit na 'to. "Ano bang ikinagagalit mo? You kissed me back, Red!"

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang