CHAPTER 33

13K 216 10
                                    

DRAKE RED'S POV

Nakangiting inaayos ko ang pagkakalagay ng mga pagkain sa table. Sinipat ko pa kung ayos na ba ang mga ito.

Hmm? Mukhang maayos na naman.

Napalingon ako sa may hagdanan nang marinig ang mga boses nila. Napailing na lang ako sa dalawa.

"Psh! Mabilis naman kaya akong magising!" Si Carla nga ba 'yon?

"Anong mabilis? Gosh! Tulog mantika ka kaya!" Si Erin.

Tss. Ang babaeng 'yon.

Hindi ko talaga alam kung bakit napaamin na lang ako. Nagdire-diretso na lang ang mga salita sa bibig ko noong nakita ko na magkasama sila. Kaya ko pa 'yong hindi niya pansinin pero 'yong umamin at hahalikan pa siya ni Luhan. Tss. Parang makakapatay ako noon.

Parang wala ako sa sarili noong mga oras na 'yon. Parang noon ko lang narealize na asawa ko siya. Siya 'yong nariyan kapag kailangan ko ng kausap. Siya 'yong nariyan para pakisamahan ako. Siya 'yong nariyan at kahit kailan hindi nawala sa tabi ko. Siya 'yong kaisa isang taong nagmamahal sa'kin ng tapat at totoo. Siya 'yong kasama ko sa loob ng dalawang taon pero hindi ko napansin dahil tutok ako sa ibang tao. Tutok ako na bumalik siya kaya hindi ko napansin ang halaga ng taong kasama ko pala.

Noong mga oras na 'yon ko lang nalaman na gusto ko rin siya.

Tss. Nagiging korni na ako ah.

"Woy! Ginagawa mo?" Natigil ako sa pag iisip nang marinig ang boses ni Erin.

Nilingon ko siya at nasa harap ko na pala sila. Bakit hindi ko napansin? Tss.

"Ah, nariyan na pala kayo." nakangiting sabi ko sa kanila. Kunot noong tinitigan niya ako.

"Kanina pa nga kami rito."

"Tss. Tara na nga."

"Oh? Bakit galit ka na naman?"
Nakangising tanong niya sa'kin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Bumubungisngis naman sa isang tabi ang kaibigan niya.

"Tatayo na lang ba kayo riyan?" Inis kong saad.

"Hay! Tara na Carla! May dalaw yata si hubby!" Tatawa-tawang aniya saka sila umupo.

Hindi ko na sila pinansin at umupo na lang din.

Magsisimula na sana kami nang matigil lang.

Tss.

"Huwaaaaaait!" 'Yong kaibigan niya.

Gulat namang napalingon sa kaniya si Erin.

"B-Bakit?" Takang tanong niya.

"Psh! Hindi ba kayo marunong mag pray ha?" Pagtataray niya.

Napatingin sa'kin si Erin kaya tinanguan ko na lang.

"A-Ah! Oo nga! Hehe." Napapahiyang aniya. Napailing na lang ako. "Sige ikaw na mag lead." Utos niya kay Carla.

"Okay! Hehe."

Pumikit na siya saka pinaglapat ang mga kamay. Nagtaka naman ako. Lumapit sa'kin si Erin at bumulong.

"She's a Born Again Christian." nakangiting aniya.

Oh that's why.

Pinaglapat na rin ni Erin ang kanyang mga kamay kaya ginawa ko na rin.

"Lord, salamat po sa mga pagkain na nakahain ngayon sa aming harapan. Nawa po ay mabusog kami. Salamat din po sa araw na ito. Humihingi po kami ng kapatawaran sa mga kasalanang aming nagagawa. Pagpalain niyo pa po kami, Lord God! Thank you po! Amen!" Saka siya nagmulat ng mga mata.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now