CHAPTER 55

26.1K 335 19
                                    

ERIN'S POV

Tahimik akong nakasakay sa kotse ni Carl Dino. Tatanggi pa sana ako kaso wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papasok sa kotse.

Nanatili sa labas ang tingin ko. Panay pa rin ang tulo ng mga luha ko. Hindi ko na nga namamalayan kung hindi ko lang nararamdaman sa aking kamay.

Napatingin ako sa panyong bumungad sa paningin ko. Walang tinginan ko itong kinuha. Pinahiran ko ang luha at sininga lahat ng nakabara sa ilong ko. Akala ko nga pati utak, masisinga ko.

"Ayos ka na ba?" Tanong niya.

Tiningnan ko siya. "Sa tingin mo, magiging okay pa ako?" Walang ganang tanong ko.

Tumingin siya sa'kin saglit at binalik ang tingin sa harap.

"Depende. Hindi ko naman alam kung ano ang iniiyak mo."

"Dahil hindi ko naman sinabi sa'yo." Tinarayan ko siya.

Narinig ko ang pagtawa niya. "Walang nagbago sayo ah."

Hindi ko na siya pinansin at suminga na lang ulit sa hawak kong panyo. Ang bango naman nito.

"Sige, labas mo lang diyan lahat." Aniya. Sinamaan ko siya ng tingin.  "Lahat ng hinanakit mo." dagdag niya.

Nang matapos sa paglabas ng dapat na ilabas ay ibinalik ko sa kanya ang panyo. Tumingin siya sa'kin na nandidiri.

"Ibabalik mo talaga sa'kin 'yan?"

"Oo, iyo naman ito eh."

Inismiran niya ako. "Iyo na. Remembrance."

Tinarayan ko sya. "Arte nito!"

Mahigpit ko na lang na hinawakan ang panyo. Tumigil na ako sa pag iyak. Nilingon ko si Carl nang may maalala.

"Bakit nga pala nandito ka sa Maynila?" Tanong ko.

"Ikaw lang ba puwedeng pumunta rito?"

"Hindi! I mean, bakit nandito ka biglaan?" Tinarayan ko siya.

Tumawa sya. "Susunduin ko sana si Carla. Ang babaeng 'yon! Tinakasan ako."

"Ahh, pinuntahan mo na?"

"Oo. Wala silang dalawa sa bahay ni Abby ba 'yon?" Tumango ako. "Hindi ko alam kung saan pumunta."

"Ah, baka nasa mall lang 'yon."

"Mm. Ihahatid naman yata siya ng crush niya." Ngumisi sya.

"Si Luhan?"

Natatawa siyang nailing. "Oo, tsk. Patay na patay ang panget na 'yon doon!"

"Ang sama mo sa kapatid mo."

Tumawa siya. "Hayaan mo siya. Teka, saan nga pala kita ihahatid?" Sumulyap siya sa akin.

Napaisip naman ako. Pag kina Abby ako pumunta. Ayoko namang abalahin pa sila. Alangan naman bumalik ako sa bahay namin ni Red? Haler! Shunga na ako no'n.

"Ah, pwede bang..." Nagpacute ako sandali. Tumingin siya sa'kin. "Sa Ingrid mo ako ihatid."

Gulat niya akong binalingan. "Sigurado ka? Uuwi ka sa inyo?"

Tumango ako. "Oo, para maayos na rin 'yong sa pagitan namin nila Papa."

"Wala kang dalang gamit?"

"Meron naman ako roon."

"Ahh. Oo nga pala. Sige, matulog ka na muna. Mahaba-habang biyahe tayo nito."

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now