CHAPTER 45

13K 181 15
                                    

ERIN'S POV

Nanatili akong nakatingin sa nakalayong sasakyan ni Darren. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Alam kong hindi kami nakapag usap ng ayos bago niya ako iwan kaya hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman.

Inaamin kong nasasaktan ako sa sitwasyon naming pareho. Pero hindi ko naman puwedeng sisihin lang siya. Ang mali lang talaga sa amin ay ang oras. Wala kami sa timing.

"Sundan mo siya."

Wala sa sariling napatingin ako sa katabi. Hindi siya nakatingin sa'kin. Kumunot ang noo ko. Matunog siyang napangisi bago ako niligon.

"You want to talk to him? Fine, hindi na kita pipigilan." Natigilan ako.

"A-Ano bang sinasabi mo?"

"I'm not that stupid, Erin. Alam ko kung gaano mo siya kagustong pigilan kanina! I saw it in your eyes."

"Red..."

"What? I know, Erin. You still love him."

Napamaang ako. "Red, hindi..ano ka ba."

"Then why did you let him hug you? I was watching you the whole time." Nakita ko ang pagsilip ng luha sa mga mata niya. "At alam mo ang masakit? Ni walang pagtutol akong nakita sa'yo."

Hindi na ako nakapagsalita dahil ano pa ba ang saysay ng pagtanggi ko, tama naman siya. Hinayaan ko nga siyang yakapin ako.

"Pero hindi ibig sabihin noon na mahal ko pa siya. Ikaw na ang mahal ko ngayon, Red." Mahinang sinabi ko, kinagat ko ang labi nang manginig iyon.

He chortled but there's no humor in his eyes.

"Huwag na tayong maglokohan. If you still want him, so be it. Ayoko nang humadlang sa inyo."

Natulos ako sa kinatatayuan.

Huminga siya nang malalim at sandaling napatitig sa akin bago ako iwanan at tumungo sa loob. Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin.

Agad naman akong tumalima at sumunod sa kanya. Naabutan ko siyang may kausap sa cellphone. Nakatalikod siya sa'kin.

"Wait, are you sure?" Tanong niya sa kabilang linya. "Really? Si Lolo? Uh, okay. Yeah. Tss, of course! I will. What the fuck?" Huminga siya ng malalim. "Alright. Bye." Saka niya binaba ang cellphone. Saglit pa siyang napatitig dito bago lumingon kung saan ako nakatayo.

"Sinong kausap mo?" Kinakabahang tanong ko. Hindi nagbago ang mukha niya at blanko lang siya habang nakatingin sa'kin.

"My mom." Simpleng sagot niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magsalita siya dahil sa sobrang lamig.

"A-Ah. Ganoon ba." Tumango na lang ako.

Humakbang siya palapit sa akin. Kinabahan ako kaagad. Alam kong galit siya sa'kin. Nang konting pagitan na lang ay saka niya ko tinitigan. Napabuntong hininga siya.

"Go to your room and change your clothes. May pupuntahan tayo." Sinabi niya at agad akong tinalikuran.

Ngunit bago pa siya maka-akyat ay agad akong humabol at hinawakan siya sa braso.

"What?"

"Saan tayo pupunta?"

"Airport." Aniya at pinagpatuloy ang pag akyat. Napasimangot ako sa kasungitan niya.

Naghihimutok akong tumungo sa kuwarto at nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng brown pants at black top.

Tumingin ako sa salamin. Inilugay ko ang buhok at naglagay ng make up. Light lang. Tinitigan ko ang kabuuan sa salamin.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon