CHAPTER 26

14.5K 221 50
                                    

DRAKE RED'S POV

Kasalukuyan kaming kumakain. Pasilip-silip ako sa kaniya. Masyado kasi siyang tahimik. Nagtataka talaga ako kung bakit naging ganiyan ang pakikitungo niya ngayon.

Tss. Hindi naman sa namimimiss ko, naninibago lang talaga ako dahil sobrang tahimik niya.

Baka pinaninindigan niya talaga 'yong sinabi niya?

Nang hindi na ako makatiis, ako na rin ang bumasag sa katahimikan.

"Hmm." panimula ko. Napatingin siya sa'kin.
"Bakit ka nga pala nagtatrabaho roon sa kaibigan mo?" Tanong ko.

Nakalimutan ko kasing itanong sa kaniya. Ang dami rin kasing nangyari. Naisip ko ang araw na kumain ako sa restaurant na 'yon.

Wala sa sarili akong napailing.

Sinasabi ko na nga ba, kilala ko siya e. Sa gamit pa lang niyang pabango at sa paraan ng pananalita niya.

Si Erin ngang talaga.

Tumigil muna siya sa pagkain bago nagsalita.

"Ayoko naman na may masabi ka na naman sa akin." Nagsalubong ang mga kilay ko. "I mean, ayokong sabihin mong mukha nga talaga akong pera."

Natigilan ako at pinroseso pa ang sinabi niya. 'Yon ba ang iniisip niya?

"Kaya naisip ko na dapat may trabaho rin ako. Hindi naman puwedeng umasa na ako sa'yo. Para may maipanggastos rin ako sa sarili ko. Nakikitira na nga ako rito sa bahay mo, makikihati pa ba ako sa pera mo?"

May kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko matukoy kung ano.

"At huwag kang mag-alala. 'Yong perang binibigay mo sa akin? Lahat 'yon napupunta dito sa bahay."

Hindi ko na kinaya.

Hindi ko maintindihan bakit ganito ang iniisip niya.

Huminga ako ng malalim. Humigpit ang hawak ko sa mga kubyertos. Mariin akong tumingin sa kaniya.

"Wala akong sinabi na bawal mong gastusin ang pera ko sa mga gusto mo. Kaya bakit hindi mo gamitin ang perang binibigay ko?"

Nagulat siya sa sinabi ko. Nakagat ko ang labi. Tunay naman na iyon ang gusto kong sabihin. Sumobra ba ako?

"Ginagamit ko naman." Tumikhim siya.

"Mga kailangan lang dito sa bahay." Sagot ko agad.

Nangunot ang noo niya. "Gusto mong gastusin ko ang pera mo para sa mga luho ko? Ganoon ba?"

Galit ka pa ah?

"Why not? I'm your husband, Erin. Hindi ba dapat ganoon?" Inis na ani ko.

Natulala siya ngunit agad na inirapan ako. Tinitigan ko siya at hinintay ang sasabihin ngunit hindi na siya nagsalita.

Pinasadahan ko ang buhok at huminga ng malalim.

Hindi ko maintindihan bakit nagagalit ako. Oo at naalala kong sinabi ko sa kaniyang mukha siyang pera pero hindi ko alam na seseryosohin niya. Para saan pa ang kompanya ko kung hindi lang naman mabibili ng asawa ko ang mga gusto niya?

Natigilan ako sa naisip.

Asawa ko?

Fuck you, Drake. You're crazy.

Bahagya kong sinilip si Erin. Nagpatuloy na siya sa pagkain habang malalim ang iniisip.

Bumuntong hininga ako.

"Kailan ka pa nagsimulang magtrabaho roon?" Tanong ko ulit.

Maingat ko siyang tiningnan. Umirap ang babae at inis na bumuntong hininga.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now