CHAPTER 36

12.9K 201 11
                                    

DRAKE RED'S POV

I quietly observe the peaceful face of the woman sleeping next to me. I feel happy by just looking at her. She managed to make herself comfortable by the window just to get some sleep.

Slowly, my hand moves to brush away a few strands of hair that cover her gentle face. I can't help but stare at her. From her perfect eyebrows, pointed nose, and of course, kissable lips.

Napako ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi. Bahagya itong nakabukas. Ramdam ko na rin ang hininga niyang tumatama sa mukha ko.

Parang may bumubulong sa aking tikman ko ang labi niya.

Kaya sige. Madali naman akong kausap.

Wala sa sariling inilapit ko ang mukha ko. Pinikit ko na ang mga mata para sa sunod na gagawin.

"A-Anong ginagawa mo?" Agad akong napamulat nang marinig ang mahinang tanong niya.

Nagtama ang paningin namin, nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong niya kaya hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya.

Lumayo ako sa kanya at umayos ng upo. Kumunot ang noo niya sa ginawa kong pagtawa.

"Bakit tumatawa ka ha?"

"Nothing." I chuckled.

"Grr! Bakit ba kasi ang lapit mo sa 'kin? Nakakainis!"

"Damn. Ang init ng ulo mo."

"Eh, bakit nga kasi?"

Tss. Ang kulit.

"I was just trying to wake you up, okay?"

"Trying to wake me up? Eh bakit ganoon kalapit?" Pagtataray niya. She rolled her eyes and crossed her arms. "Alam ko namang may balak kang gawin. Gosh. Hindi pa hinintay akong magising eh." Mahinang aniya pero rinig ko. Natawa ako.

"We're already here." Sabi ko bago bumaba. Binuksan ko ang pinto sa passenger seat. Bumubulong bulong pa siya pero di ko na pinansin.

May kausap na naman yata 'yang kauri niya. Tss.

Inalalayan ko siyang maglakad. Sinalubong naman kami nila Luhan at Carla na kabababa lang din. As usual nagbabangayan na naman sila.

"Ano ba kasi?"

"Bakit ba ang taray mo ha?"

"Eh, ano bang pakialam mo?"

"Tsh! Wala akong pakialam sa'yo! Ang akin lang huwag kang basta basta bumababa!" Inis talagang sigaw ni Luhan.

Natahimik naman si Carla bago niya ito siringan.

"Hoy! Anong?--Nag aaway pa rin kayo?" Natatawang singit ni Erin.

"Tsh! Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, Erin."

"Hala siya. Bakit?"

"Tsh. Kayo ang mag usap."  Aniya bago lumapit sa'kin. Lumapit naman si Erin kay Carla.

"Init ng ulo natin ah." Natatawang pang aasar ko.

"Badtrip na 'yon. Nagmamalasakit na nga, Tatarayan ka pa."

Natawa ako. "Calm down."

"Bakit ba panay tawa ka?"

"Oh, bakit sa'kin ka naman ngayon nagagalit? Ikaw na itong mainit ang ulo sa atin ah." Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Dapat kasi sa'kin sumakay si Erin. 'Edi sana, maayos ang pakiramdam ko." natahimik ako sa sinabi niya. Sumama ang tingin ko.

"Fuck you. Don't you dare." Inis kong sabi at agad na hinuli ang ulo niya para kutusan, umiiwas naman siya.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now