CHAPTER 1

33.3K 364 45
                                    

ERIN'S POV

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog ng alarm clock na nasa gilid ko. Kinapa-kapa ko ito sa table upang patayin. Sinilip ko ang oras at 4:00AM na! Dali-dali akong bumangon, naligo at nagbihis.

Naka panjamas at long sleeve ako saka nilugay ang hanggang baywang kong buhok.

Dali-dali akong bumaba at dumiretso sa kusina. Nagluto ng hotdog, bacon, fried rice at iba pa. Inihanda ko ito sa lamesa at agad na sinipat ang ayos nito.

"Hmm, ayos na." Masayang sambit ko.

Nabuo sa imahinasyon ko ang bulto ng isang lalaking dahan-dahang bababa sa hagdan at hahalik sa pisngi ko at babati ng 'good morning mahal' ngunit sa imahinasyon ko lang 'yon! Malabong mangyari in real life.

Inalis ko agad ang apron sa katawan at naghugas ng kamay. Maya-maya pa'y narinig ko na ang mga yabag ng lalaking ang sarap isako. De joke lang.

Agad akong lumabas sa kitchen upang masilayan siya. Nakasuot na ito ng karaniwan niyang sinusuot kapag papasok sa trabaho. Pero wala eh, guwapong-guwapi pa rin ako sa hayop na ito.

Ehem, joke lang.

Guwapo talaga. Ang agang regalo naman nito, Lord.

"Hmm. Good morning! Kain ka na." Aya ko rito.

Hindi man lamang ito lumingon sa 'kin at dire-diretsong tumungo sa lamesa at umupo.

Kinalma ko ang sarili nang manghinayang na sana nilagyan ko ng lason ang umagahan niya. Kalma, Erin.

Pinagmasdan ko lang siya. Ang guwapo niya talaga. Hindi ko akalaing ang crush ko noon ay asawa ko na ngayon!

Ansabe? Duh.

Nagulat ako nang tumikhim ito.

"Yes. May kailangan ka ba?" Tanong ko agad.

"You.." at doon niya lang ako tinapunan ng tingin. " Puwede ka nang umalis." mariing sambit niya.

Ngumiti na lang ako kahit gusto ko siyang kalbuhin!

Naman na! Arte mo sa part na 'yan, hubby.

"Okay, Ilagay mo na lang diyan pag tapos ka na ha?" Malambing na ani ko.

Araw-araw ganito ang eksena namin. Bumuntong hininga pa ako at naglakad patungong sala saka roon umupo.

Dalawang taon na kaming kasal ngunit heto ganoon pa rin siya. Walang nagbago. Manhid na nga ang tainga ko sa mga sigaw niya. Sa mga masasakit na salita na binibitiwan niya about sa'kin.

Pero syempre, pake ko naman. Lalo siyang masisiyahan na saktan ako, kapag dinama ko ang masasakit niyang salita.

Mga magulang niya ang nagplano nito. Noong una ayoko siyempre hindi ko pa naman alam kung sino ang ipapakasal sa akin at sinabi rin nila Tito at Tita na babayaran nila ako.

Oh saglit lang, huwag niyo naman agad ako husgahan. Hindi ako mukhang pera. Medyo lang, pero hindi sobra.

Nagkataon din namang may sakit ang mama ko noon at natanggal pa si papa sa trabaho niya. Edi double kill!

Buti nga ngayon nakaluwag-luwag na kami eh.

At ayon na nga nakilala ko rin 'yong ipapakasal sa 'kin at omg! Si Drake Red Anderson.

Ang lalaking gusto ko, siyempre pumayag na talaga ako noon. Magkaibigan kasi si Papa at ang Daddy ni Red. Hindi naman kami sobrang hirap. May kaya naman. Nagkaproblema nga lang kaya napasubo na rin ako.

Pag hindi asawa? Don't subo ah?

Nalaman ko rin na kaya ipakakasal ni Tita at Tito si Red dahil pagdating ng Great Grandfather niya ay maipapamana na sa kaniya ang ibang ari-arian nito. 'Yon ay kung may asawa na siya. Tsk! Grabe mukhang pera pala sila!

Joke. Lahat naman siguro. Kahit hindi natin aminin, pera ang nagpapatakbo sa atin 'no.

Iyong mga nagsasabi na 'money can't buy happiness' please, ibigay niyo na sa akin ang pera niyo. Sasaya ako!

Balik tayo sa kuwento, ayon na nga, ako lang daw ang naisip nila na puwedeng ipakasal sa anak nila. Pero nagtataka talaga ako eh. Kasi ang alam ko, may girlfriend si Red at si Clarisse Castillo 'yon.

Matanda siya sa 'kin ng dalawang taon, ganoon rin naman si Red. Diba dapat si Clarisse ang ipinakasal sa kaniya at hindi ako? Pero ayos na rin 'yon!

Arte mo, Erin ah? Gustong-gusto mo rin naman!

Nabalik ako sa reyalidad nang dumaan si Red sa harapan ko. Agad akong tumayo at tumungo sa pinto saka pinagbuksan siya.

Tumungo rin ako sa gate at binuksan ito. Wala kasi kaming kasambahay rito eh! Ewan ko ba kay Red gusto niya talaga akong pahirapan.

Tsk bahala siya riyan! As if naman, susuko ako 'no?

Sa loob ng dalawang taon naming pagsasama ni minsan hindi ko ipinakita sa kaniya na hirap na hirap na akong pakisamahan siya. Hindi ako umiyak sa harapan niya dahil lagi akong sa likuran.

Hehe. Joke 'yon.

Nakangiti lang ako kahit ang sakit sakit na.

Mukha na nga akong tanga eh. Sabi rin nila.

Ang tagal naman kasing dumating ng Lolo mo nang matapos na ito.

Agad niyang pinaandar ang kotse niya at dahil doon natauhan ako. Kumaway pa ako pero hindi niya na yata nakita 'yon.

Ako nga mismo, hindi niya makita. 'Yong kaway ko pa kaya?

_________
A/N:

Hi it's me! Aimeesshh25! Binasa ko 'to at sobrang naliyo ako sa typos at jeje style kong pagsusulat, sorry guys! Huhu. Sorry na agad sa mga natapos na ito. Kung nabasa niyo nung 2018 ito, jusq congrats!

Saka wala po talagang mukha ang mga characters ko rito HAHAHAHA sobrang adik lang talaga ako kina Han Hyo Joo at Lee Jong Suk nang sinusulat ko ito. Hmmkay? Bye! Hugs!

(◍•ᴗ•◍)♥️

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now