CHAPTER 35

13.7K 185 7
                                    

CARLA'S POV

Tahimik lang kami sa loob ng kotse pagkapasok niya. Hindi ko siya tinapunan ng kahit katiting na tingin. Naunang umalis sina Erin at ang asawa niya. Sumunod naman agad kami sa kanilang likuran.

Hindi talaga ako magsasalita!!
Nakakainis!!

Naiinis talaga ako kay Erin dahil sa ginawa niyang pantataboy sa'kin! Kasya naman kami sa kotse! Ipinagtulakan pa ako rito! Alam naman niyang napahiya na nga ako kanina  dahil hindi ko alam na magkakakilala sila. Malay ko ba kasi doon. Ang lagay e, ako pa 'yong tumiklop ha! That's not fair!

'Langya ka talagang babae ka! Humanda ka sa'kin mamaya!

"Hey." Napalingon ako nang marinig 'yon.

Nakangiting mukha niya ang bumungad sa'kin. Palingon lingon siya sa unahan at sa akin.

Tangek na 'to! Pag nabangga tayo, lagot ka sa akin!

Hindi ko siya pinansin at tinaasan lang ng aking magandang kilay. Ibinalik ko ang tingin sa unahan at nagkunyaring wala akong kasama sa loob ng kotse. Kahit mukhang imposible!

"Hey, Are you deaf?" May iritasyon sa kaniyang boses. Taas kilay ko naman siyang nilingon.

"Ano ba't tawag ka ng tawag sa'kin?" Inis kong tanong.

"Rinig mo naman pala."

"Oo nga! Rinig ko! Ano ba ha?" Sigaw ko.

"Why are you shouting? Ang lapit lapit natin sa isa't-isa, kung makasigaw ka. Tsh."

Salubong na ngayon ang kaninang tuwid niyang mga kilay. Pasimple ko lang siyang tinarayan.

"Eh, sa gusto ko e! Tangek!"

"Gusto mong palabasin kita?!" Nagulat ako sa sinabi niya.

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya. Seryoso naman siyang nagmamaneho. Nang mapansin niyang hindi ako sumagot, saka niya ako nilingon.

"What?" Takang tanong niya.

"What your face!!" Sigaw ko ulit!

Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking 'to!

"Tsh! Baliw!" Rinig ko pang bulong niya pero hindi ko na siya pinansin.

Tamad akong sumiksik sa may bintana at pumikit.

Iidlip muna siguro ako. Ang layo layo pa naman.

Nagising ako nang maramdamang may gumagalaw sa may bandang ulo ko. Parang inaayos ang puwesto ko. Agaran akong napamulat ng mga mata. Nagulat ako nang makitang sobrang lapit ng mukha ni Luhan sa'kin. Inaayos niya siguro ang pagkakasandal ko.

"A-Anong ginagawa mo?" Kunyaring  tanong ko kahit alam ko naman na.

Nalipat ang tingin niya sa'kin at ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit.

Bahagya pa siyang napailing dahil sa reaksyon ko. Dahan-dahan siyang lumayo sa'kin. Umayos ako ng upo at inaayos ang aking buhok bago tumingin sa kaniya. Dinuro ko agad siya sa mukha.

"Ikaw? B-Bakit ang lapit mo sa'kin?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko.

Dahan-dahan ang ginawa niyang paglingon sa'kin, bago nagpakawala ng isang ngisi.

Aba!

"Mmm.." Umungol pa siya bago humawak sa kanyang baba.

Baba po. As in chin. Hindi kung anong baba ah.

Pinikit ko ang mga mata dahil pucha ang guwapo niya sa part na 'yon!

Huwag kang tumingin! Huwag kang tumingin, Carlaaaaa!

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon