CHAPTER 24

13.4K 237 34
                                    

DRAKE RED'S POV

"Bakit ganiyan ka? Sana naman inalam mo muna ang buong kuwento bago ka nanghusga."

"Ayaw mo siyang masaktan diba? Edi itali mo siya sa katawan mo!"

"Nagagalit ako sa'yo! Nasasaktan mo na ako pero hindi mo 'yon alam. Oh alam mo pero wala kang pakialam. Kasi sino nga ba ako sa buhay mo diba? Asawa mo lang naman ako at kahit kailan hindi mo magugustuhan. "

"Pero hindi ko naman yata deserved na masaktan ng ganito. Hindi ko ginusto na makasal sa taong ayaw ako. Hindi ko rin ito ginusto, Red. Kung may paraan lang, sana hindi na lang ako pumayag."

"Pero wala akong nagawa kundi maging asawa mo. Asawa mo lang."

"Asawang may kailangang gawin, may kailangang tapusin. Alam kong hanggang dito lang naman tayo e. Iniisip ko 'yon lagi, na kung tapos na ako sa dapat kong gawin, siguro magiging masaya ka na. Siguro babalik ka na sa dati. Pero ang tanga ko kasi kahit alam ko 'yon patuloy pa rin akong umaasa s-sa'yo."

"Don't worry, from now on. Titigil na ako. Titigilan na kita. Wala na tayong pakialamanan. Kung anong gawin mo, bahala ka na. We will not mind the presence of each other because, this time I really quit on you. I'm so tired, Red. Pagod na ako sa lahat."

Nanatili akong nakatayo habang hawak ang mukha na sinampal ni Erin. Hindi ko maintindihan kung bakit nagpaulit-ulit sa tainga ko ang lahat ng sinabi niya sa'kin. Rinig na rinig ko pa rin ang mga hikbi niya kahit wala na siya sa harap ko.

Kahit hindi ko amin, alam ko sa sarili kong nasasaktan akong makita siyang umiiyak.

Tss. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Sarkastiko akong natawa at nameywang pa sa sobrang pagkamangha sa sarili.

Dapat lang sa'kin ang masampal! Dapat nga sinuntok niya pa ako e!

Hindi ko naman sinasadya na mapagbuhatan ko siya ng kamay. Nadala lang ako ng emosyon ko.

Fuck you, Drake. Bobo ka.

"A-Are you okay, Drake?" Napalingon ako sa nagsalita.

Nakatayo na siya at pinapagpagan ang kaniyang suot. May sugat siya sa bandang braso. Magulo rin ang buhok niya.

Lalong nagdagdagan ang inis ko ngunit kinalma ko ang sarili. Lumapit ako sa kaniya para icheck kung ayos lang siya.

"Ayos ka lang? May masakit sa'yo?" Tanong ko.

Napatingin siya sa'kin at ngumiti.

"A-Ah. Yes. I'm okay." Hinawakan niya ako sa mukha at bahagyang hinaplos iyon.

Sumimangot siya. "Psh! Baliw na babaeng 'yon! Sino siya para saktan ka niya ng ganito!"

Inalis ko ang kamay niya na patuloy pa rin sa paghaplos.

I sighed. "Ano ba talagang nangyari?"

Napakurap-kurap siya at umiwas ng tingin. Inayos niya kunyari ang buhok. Nangunot ang noo ko.

"Macy." Mariing tawag ko.

Tumingin siya sa'kin saka asiwang ngumiti.

"Drake, like what I've said earlier, she pushed me! Ni hindi ko alam na may basag na vase riyan." Maarte niya pang tinuro ang nagkalat ng bubog sa sahig.

Tinitigan ko siya ng mabuti. Hindi siya makatingin ng diretso sa'kin.

"Really?" tumango siya kaagad. "Pero bakit sinabi niya na hindi niya 'yon ginawa?" Mahinahong tanong ko.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now