CHAPTER 14

13.1K 224 34
                                    

ERIN'S POV

Kasalukuyan akong naghihintay nang masasakyan. Pauwi na kasi ako. Gosh! Kanina pa 'ko rito. Kumusta naman kaya? Baka mapatay na ako ni Red.

Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. Mygosh! Seven-thirty na ng gabi? Ang bilis naman yata!

Parang yung pagmamahal niya ang bilis nawala yeern! Whoogoat! Hahaha.

Weh? May pagmamahal ba, Erin?

Agad akong nagpapalakpak nang may tumigil na taxi sa harapan ko.

Sumakay agad ako at inayos ang suot. Gosh! Ang sakit ng likod ko ah.

"Ma'am, gabi na po ah. Ano pang ginagawa niyo roon?"

Gulat akong napatingin sa taxi driver nang magsalita ito.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Walanjo. Siya 'yong driver na kalbo! Siya rin 'yong nasakyan ko kaninang umaga ah?

"Manong! Tadhana nga naman oh! Sinunsundan mo ho ba ako?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya.

Napatawa naman siya at umiling.

"Ma'am, nakita ko lang kayo roon kanina. Mukhang nag-aabang kayo nang masasakyan e. Isa pa, taxi driver ako. Gabi na rin, ano pang ginagawa niyo roon?" Nagtatakang tanong niya ulit.

Ang ewan naman ni Manong! Duh. Kasasabi niya lang na mukhang nag-aabang ako nang masasakyan then tatanungin pa ako.

Napairap na lamang ako. Ang cute cute niya talaga. Pakurot nga sa buhok.

"Kalbo este Manong, kagaya ng sinabi ninyo naghihintay nga po ako ng masasakyan." Kinuha ko ang wallet sa bag.

Napatawa siya. "Oo nga pala." saka kumamot sa ulo niya.

Wala namang kuto si manong ah? Hello! Wala siyang buhok 'no?

"May kuto ho ba kayo, manong?" Tanong ko. Panay kamot pa rin kasi siya sa ulo niya.

"Hindi ko nga alam eh. Nangangati kasi ang ulo ko. Baka nga meron." Sambit pa niya habang patuloy sa pagkamot ng ulo niya.

"Luh. Comedy si Manong oh. Huwag niyo 'kong lokohin. Wala kayong buhok."

Natawa naman siya at umubo-ubo muna bago magsalita.

"Alam mo naman palang wala akong buhok eh. Bakit nagtatanong ka pa? Bobo mo rin, Ma'am." panunupalpal niya sa akin.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya! Punyemas, Manong ah. Inaano kita? Pero dahil may katandaan na siya ay pinagbigyan ko na lang.

"Manong, nakakailan na kayo ah. Gusto niyo bang maka-reunion ang kapatid mong si Boy Abunda?" Pang aasar ko pa rin.

Tumawa siya ng malakas. 'Yong tipong kita ko na ang gilagid niya.

"Ma'am, hindi ko naman kapatid si Mr. Boy Abunda eh." Seryosong sambit niya.

Napakurap-kurap ako at tinitigan siya. Gosh! Seryoso talaga siya. Huhuhu. Napapikit na lamang ako. Punyemas! Manong joke lang 'yon eh. Sineryoso niya talaga. Nakakaiyak.

Hindi na lamang ako nagsalita. Sinabi ko na lamang ang address ko. Walang kwenta kung makikipag-usap ako kay Manong driver na kalbo.

Malapit na kami nang magsalita na naman si Manong.

"Ma'am, amo niyo ba 'yong lalaki roon?" Tanong niya na naman.

Nakagat ko ang labi. Hindi ko nga amo 'yon. Ang ganda naman ng kasambahay niya kung ganoon.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum