CHAPTER 32

13.8K 203 26
                                    

ERIN'S POV

Ano naman kayang ginagawa noon dito?

Saka paano ko naman masasagot ang tawag niya e sa isang number ko siya natawag? Buti napansin ko.

Binaba ko na ang tawag. Napabuntong hininga na lamang ako. Saan ko naman susunduin 'yong lukang 'yon?

"Hey! Anong ginagawa mo riyan?" Napalingon ako kay Red nang magsalita ito.

Hindi ko man lang napansin na narito na pala ito sa tabi ko. Kakauwi lang namin nang saktong tumawag 'yong kaibigan ko. Galing sa probinsya namin.

"Nakatayo." Tipid kong sagot na ikinataas ng kilay niya.

"I know, stupid." nagulat naman ako sa pagtawag niya sa'kin noon. Aba't!

"Anong? Stupid? Ako?" Turo ko sa sa sarili ko. Napaikot siya ng kaniyang mga mata bago ako yakapin.

Gosh! Nemen ne!

"Tss. Ikaw lang naman ang kausap ko." Aniya habang nakayakap pa rin sa'kin.

"Ikew nemen kese e!" Pabebeng sambit ko.

Kunot-noo naman niya akong tiningnan.

Bakit kasi may stupid? Hmp

"What did you say?" Naguguluhang tanong niya.

"Nevermind!"

Mas lalo niya pa akong hinapit upang mapayakap pa sa kaniya. Parang tanga naman e. Ang bango bango! Hehehe.

"Sinong kausap mo kanina?" He asked. Tiningala ko naman siya.

"Kaibigan ko-ay! Shet! Oo nga pala!" Sigaw ko. Nagulat siya sa biglaang pagsigaw ko.

"What's wrong?"

"Nagpapasundo nga pala siya. Galing kasi siyang probinsya e. Hindi ko na nasabi sa'yo biglaan din ang pagpunta niya kasi." kakamot-kamot sa ulong sambit ko.

Napatango naman siya habang hinahaplos haplos ang buhok ko.

"Hmm. I see. Ngayon na ba?"

"Opo. Ngayon na eh."

"So, Let's go." saka niya ako hinila palabas ng pinto.

Hindi na naman ako nakapagsalita dahil basta niya na lamang ako kinaladkad. Gosh! Apakasweet!

Nang makalabas kami ay pumunta agad siya sa kotse na nakaparada sa garahe. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya gulat akong napatingin sa kaniya.

"What? Bakit ganiyan ka makatingin?" Natatawang tanong niya sa'kin.

"Nagulat lang. Teka nga! Saan ka ba pupunta?"

"Huh? Susunduin natin 'yong kaibigan mo diba?" Nagtatakang sagot niya sa'kin.

"S-Sasamahan mo ako?"

Ngumiti siya ng pagkalaki laki.

"Hmm. Of course."

Nakakagulat talaga siya ngayon! Ganoon ba pag naamin?

Napatango na lamang ako. Inalalayan niya na akong makasakay saka naman siya pumasok.

"Saan ba raw natin susunduin?" Tanong niya habang nagmamaneho.

Saan nga ba raw 'yon? Punyemas! Bakit nakalimutan ko?

"Erin?"

"A-Ah! Wait hindi ko maalala e."

"Tss." Tinarayan ko na lamang siya.

Saan nga ba kasi 'yon? Arrgh! Peste!

Isip ..

Isip...

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now