CHAPTER 19

12.5K 226 18
                                    

ERIN'S POV

Kasalukuyan kaming nangangapa kung sino ang unang magsasalita.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

Mga punyemas! Uupo-upo rito then tutunganga lang? Like wtf!

Katabi ko ngayon si Luhan. Magkatabi naman si Red at Abby. So magkaharapan kami ng unggoy na si Pula.

Tumikhim muna si Luhan bago nagsalita.

"So, Anong gusto niyo?" Nakangiting tanong niya na sumulyap pa sa akin.

Gusto ko? Gusto kong lumayas na kayong dalawa rito.

Napatingin sa akin si Abby. "Ah, ano..naka-order na kami." Tinuro pa niya ang mga pagkain sa table.

Nakamot niya ang batok. "A-Ah, oo nga. Hindi ko napansin." Bumaling siya kay Red na ngayon ay nakatingin sa'kin. "Dude, anong gusto mo?"

He sighed. "Kahit ano. Ikaw na ang bahala." simpleng sagot niya habang nakatingin pa rin sa'kin.

Mabilis naman na nagtawag ng waiter si Luhan at kinausap 'yon sa order nila.

Pinagkunutan ko ng noo si Red na nanatili sa akin ang mga mata. Tumaas lang ang kilay niya. Napairap ako.

Pag ikaw nahalata nitong si Luhan! Bahala ka talaga riyan.

Napalingon sa'kin si Luhan matapos umalis ng kausap.

"Akalain mong dito lang kita makikita." nakangiting aniya. Pilit akong napangiti.

Nailing siya bago bumaling kay Red na nakasimangot.

"Pinag-uusapan lang natin siya kanina. Tapos ngayon..." Nangingiti siya habang naiiling.

Naasiwa ako kaya pilit na lang na nakingiti sa kaniya.

"Do you mind if I ask kung saan ka nakatira?" Biglaang baling niya.

Napakurap-kurap ako. Tumikhim si Red. I looked at him. Paano ko sasagutin itong si Luhan?

"Ah..ano." pinisil ko ang daliri.

Nganga tayo, Erin.

Bigla siyang tumawa. "You know, para madalaw kita. Ang hirap mong hagilapin eh. Hindi ka nagrereply sa akin." Sumimangot siya.

Napalingon naman sa'kin si Abby. Kanina pa siyang palingon-lingon sa amin.
Mukhang naguguluhan siya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata para sabihing huwag ng magsasalita.

Ngunit, ano nga ba ang aasahan ko rito?

"Teka nga." Napatingin sa kaniya si Luhan. Ganoon na rin ako. "Hindi mo alam kung saan nakatira si Erin?" Nagtatakang tanong niya.

Napapikit ako nang nangunot ang noo ng katabi ko.

"Hindi. Bakit?"

Natawa si Abby. Piste! Tumahimik ka na.

"Ano 'yon? Magkaibigan kayo ni Drake diba? Alam mo ang bahay niya pero ang kay Erin hindi?" Natatawa siyang napailing.
"Imposible." dagdag niya pa.

Pilit akong bumaba ng kaunti sa ilalim ng table para maabot ang paa niya ngunit hindi ko talaga maabot.

Tumitig pa ito kay Luhan. "At bakit mo naman siya gustong dalawin?"

"Hindi kita maintindihan." sambit nito.

Napatingin ako kay Red. Prente lang siyang nakaupo at walang pakialam.

Hindi muna sinagot ni Abby ang katabi ko. Taka siyang napatingin sa akin bago kay Red.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora