CHAPTER 5

17K 251 49
                                    

ERIN'S POV

Pumunta muna ako sa garden nang ako na lamang ang maiwan sa labas. Grabe nakakapagod ah. Nakakarelax kasi rito eh.

Umupo ako sa upuan na bakal at isinandal ang nangangawit kong likod. Wala pa naman si Red kaya pahinga muna.

Saka ang tagal naman no'n maghatid sa Mommy niya, binuhat niya ba si Tita? Charot.

Napadako ang mga mata ko sa mga tanim dito, sabi ni Tita, tanim niya raw ito eh. Mahilig din naman ako magtanim kaso namamatay ang iba.

Ang ganda talaga ng mga bulaklak, napatingin ako sa sunflower. Natigilan ako at pinagmasdan lamang iyon. Hindi ko alam pero naalala ko siya. Kumusta ka kaya? Buhay ka pa kaya? Sana hindi na. Charot.

Pero sabi nga masasamang damo, matagal mategi. Ilang taon na rin nang huli tayong mag-usap. Siguro naman, maayos ka na ngayon. Nevermind.

Nahagip ng mga mata ko si Red na papalapit
sa puwesto ko. Aba nga naman! Akala ko nakapunta na ito ng Mars sa sobrang tagal!

Umaayos ako ng upo at sinalubong siya ng isang ngiti.

"Oh? Akala ko nalunod ka na." Pang aasar ko. Tumalim ang mga titig niya sa 'kin. Luh.

"Anong sinabi mo kay, Mom?" Diretsong tanong niya.

Aba! Malay ko sa Mommy niya! Sabi na nga ba at ako na naman ang sasabunin nito!

Napaismid ako. "Wala akong sinabi. Puwede ba? Kung sasabunin mo ako ngayon, sa banyo na lang." Pinigilan kong hindi matawa nang makitang nandiri siya at lisikan ako ng mga mata.

"Answer my damn question, Erin!" Napatalon ako sa lakas ng boses niya.

Ngumiwi ako at umubo kunwari. Pagtripan ko kaya ito? Hehe Tama, tama.

"Hmm? Anong sinabi ko?"  Nilandian ko ng kaunti ang boses ko.  Kumunot ang noo niya.

"What? Tell me." Iritableng saad niya.

Ngumisi ako at agad na kinagat ang aking labi. Tingnan natin, Red.

Matinding pagkakakunot ng noo ang ginawa niya.

"Hmm, wele nemen." Sambit ko habang patuloy pa rin sa pagkagat ng labi. Go lang.

Sinabayan ko pa ng pagpapaikot ng daliri ko sa hibla ng aking buhok. Umiwas siya ng tingin sa 'kin. Aha! Ikaw Red ah!

"Ayusin mo ang pananalita mo, stupid. Tss." nanlilisik ang kaniyang mga mata.

Ngumisi ako lalo saka dahan-dahang tumayo. Nagulat siya sa ginawang pagtayo ko. Sinimulan kong lumakad papalapit sa kaniya.

"Alam mo ba kung ano ang sinabi ko?" Mahinahong sambit ko. Umatras siya.

"Stop! Diyan ka lang." Utos niya. Umiling naman ako.

"Uh-huh! Akala ko ba gusto mong malaman? Hm?" Tanong ko habang nakanguso.

Sinamaan niya ako ng tingin. Gusto ko na talagang matawa sa itsura niya.

"Napipikon na ako sa'yo, babae!" He said angrily.

Ngunit lumakad pa rin ako papalapit sa kaniya. Ako? Matatakot? Sino ka ba? Ay wow, sige lang Erin! Umatras agad siya nang makalapit na ako. Ngumisi ako at hinawakan siya sa balikat. Batid kong nagulat siya sa ginawa ko. Ang sarap pagtripan ng gunggong na 'to!

Tumingkayad pa ako para maabot siya. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at bumulong.

"Sabi ko sa Mommy mo.." I bit my lower lip. "Balik siya, next time." I added. Agad ko siyang binitawan.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon