CHAPTER 48

12.3K 158 7
                                    

Warning: R-18.

ABBIGAIL'S POV

Abala ako sa pag-aasikaso ng mga customers, na sobrang dagsa ngayong araw. Lintek naman kasi sa dami ng pera ng mga ito. Kada tapos ko sa isa ay may papasok na namang isa. Hindi naman puwedeng tumunganga lamang ako habang ang mga empleyado ko ay hindi na magkanda-ugaga kung sino ang uunahin. Siyempre, bilang butihing amo, tutulungan ko sila. 'Di tulad ng iba diyan, paabsent absent na lang ang eksena.

Ang tagal na rin noong huling pumasok si Erin dito. Ewan ko ba roon sa babaeng 'yon, ang daming ganap sa life!

Napangisi na lamang ako habang inaalala ang nangyari sa kanila sa mismong birthday party ni Krisha.

May pa grand entrance pa ako noon! Jusko! Nakakahiya.

Malay ko bang magpinsan pala si Darren at si Drake! Psh!

"Ma'am, gising! Marami pong customer!" Nabalik ako sa wisyo nang magsalita si Boyet. Isa sa mga tauhan dito. Tiningnan ko siya at abala na siya sa pagkuha ng orders noong kakapasok lang na babae.

"Ano ba 'yan! Dami na naman!" Inis kong bulong. Kanina pa kasi ako walang pahinga, I mean kami pala at nakakairita rin pala ang maraming tao.

Agad akong pumwesto nang makitang may pumasok na naman. Pinuntuhan ko ito at todo ngiting tinanong ang order. Naging maayos naman ang lahat sa sumunod na oras. Lahat kami ay nakakunot ang noo at halata sa mukha ang pagod na iniinda.

"Ma'am, magsasara na po ba tayo?" Tanong ni Anna, ang tao sa counter. Sinilip ko ang oras sa cellphone.

9:45PM.

"Hmm, Tara na nga. Mag aalas diez na rin e." Tumango silang lahat sa sinabi ko.

"Eh, Ma'am wala bang pakalma man lang diyan?" Nakangising tanong ni Boyet. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Pakalma?"

"Hay nako! Ma'am ang ibig sabihin ni Boyet e, painom." Singit naman ni Bela. Nagtawanan sila.

"Oo nga po! Minsan lang tayo lumabas e."

"Sige na, Ma'am!" Tudya pa ng iba. Napailing na lamang ako.

"May magagawa pa ba ako huh?" Nakangiting sambit ko.

"Yey let's go!!" Sabay sabay nilang sigaw na parang bata.

Sige na, pagbigye! Minsan lang e.

Matapos naming isara ang Abbilicious. Tumungo agad kami sa s-in-uggest na bar ni Boyet. Maganda raw doon at maraming chixx. Natatawang nailing na lang ako.

"Woah? Ulam na agad!" Malanding sigaw ni Anna. Napangiwi ako.

May tinatago rin palang kakirehan ang isang ito. Aba.

"Gosh! Bakat na 'yong ano oh! Look Bela!" Agad na itinuro ni Queen ang ibabang parte ng katawan ng lalaki. Napatili naman si Bela at naghampasan silang dalawa.

"Aray! Bela huh?" Reklamo ni Queen.

"Sorry, nabuntis ay este kinilig pala hihihi!" Malanding aniya. Napasapo na lamang ako sa noo. Hindi pa naman kami nakakainom pero bakit iba na ang tama ng mga ito?

Nag order ng hard drinks sina Boyet at Richie. At agad nila itong nilantakan. Parang pagkain lang sa kanila ang mga inumin na ito. Panay na ang turuan ng mga babae habang naghahanap ng mga lalaking mala ulam na daw.

"Pare, tingnan mo 'yon oh! Tangina! Ang laki ng hinaharap!" Sumipol pa si Richie.

Tumawa ang kausap. "Wala ka rito oh! Suot pa lang, naglalaway na ako. Pano pa kaya kung wala na siyang saplot!" Si Boyet, saka siya humalakhak.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon