CHAPTER 31

13.7K 201 8
                                    

Hi! I know, malilito kayo sa paraan ng pagsusulat ko. Ganito kasi ako noon magsulat. Marami ang may mga pov's hehe and I'm still learning po.

Everything is a learning process.

_________

LUHAN'S POV

Naiwan akong nakatulala sa aking kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala.

Anong nangyari?

Masyado akong nabigla sa mga ganap kani-kanina lang. Hindi ko akalaing siya lang pala. Siya pala ang asawa ni Drake.

Tsh! Bakit wala akong alam?

Malamang! Hindi naman palakuwento 'yang ugok na Drake na 'yan e! Kaya wala ka talagang alam.

Ang hindi ko lang maintindihan e, bakit kailangan niya pang ilihim. Si Drake, medyo gets ko naman ang attitude niya. Tahimik talaga siya at walang pakialam. Hindi niya ugaling magsabi ng kung anu-ano. Hindi niya ugaling magkuwento. Hindi nga 'yan nagsasalita e kung hindi mo siya kilala ay mapapagkamalan mo siyang pipe. Well, that's Drake!

Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi sinabi sa akin ni Erin. I mean, naging malapit din naman kami sa isa't-isa diba na sa sobrang pagiging malapit namin.

Ayon! Nahulog ako. Tsh at ang masaklap, wala namang sumalo.

Nakakainis. Pero hindi niya naman 'yon kasalanan. Ako 'tong nagkagusto e, so wala siyang kinalaman. Ang masakit lang talaga, nagsinungaling siya. Hindi lang siya, silang mag-asawa.

"Anong ginagawa niya riyan?"

"Bakit nakatulala siya?"

"Oo nga 'no? Sayang guwapo pa naman, lutang lang."

Napatigil ako nang marinig ang bulungan sa may gilid ko. Tiningnan ko ito at nabigla sa nakita.

Ang dami ng tao ang nakatingin sa akin. Para bang ipinagtataka nila kung bakit narito pa ako. Umiwas din naman sila ng tingin nang makita ang titig ko. Tsh! Ano ba kasing ginagawa ko dito sa labas ng CR? At saka nasa labas naman ako, anong mali roon.

Pero kasi para akong tangang nakaupo.

Pilit akong napangiti sa mga babae sa gilid ko. Saka ako dali-daling tumayo at naglakad palayo.

Whew!

Agad akong lumabas ng restaurant. Ngunit palabas pa lang ako nang harangin ako ng waiter.

"Ah, sir?" Nakangiting aniya. Binalingan ko siya ng tingin.

"Yes?"

"Hindi pa po kayo bayad." napamaang ako.

"W-What?"

"Kayo po 'yong naroon diba?" Tinuro niya 'yong table namin kanina. Tumango naman ako.

"Kayo po 'yong may kasamang babae at lalaki?" Tumango ulit ako. "Kayo nga po 'yong hindi pa bayad." malumanay niyang binigkas ang mga salita.

Tsh! 'Yan sa sobrang kadramahan, hindi pa pala nababayaran!

Agad kong kinuha ang wallet ko sa bulsa at humugot ng pera. Hindi ko na tiningnan kung magkano, basta ko na lamang inabot sa kaniya.

"I'm sorry miss. Here!" Nakangiting abot ko ng bayad at saka nagmadaling lumabas ng restaurant.

Sumakay agad ako sa kotse. Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang mapaisip. Tungkol sa mga napansin ko, una pa lang kina Drake and Erin. Napansin ko na agad na parang may something sa kanila na hindi lang nila sinasabi. Sa mga paraan ng pagtingin ni Drake kay Erin. Kung bakit ayaw niyang lagi akong pumupunta sa bahay niya at kung bakit ayaw rin ni Erin na ihatid ko siya.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now