CHAPTER 10

16K 231 7
                                    

ERIN'S POV

Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa baso ng wine na kanina ko pa pinaglalaruan. Kanina pa ako sumisimangot. Mukha na yata akong tambakol eh. Ang tagal-tagal ni Red.

Pagkaalis niya kanina ay hindi pa rin siya bumabalik. An'yare doon?

Itatanong ko pa naman sana sa kaniya kung nagselos siya kanina. Pero ang tagal-tagal ng walang'ya!

Teka nga. Iyon? Magseselos? Nah! Malabo. Pero malay mo naman diba? Asa lang tayo. Okay.

Nangunot ang noo ko nang matanawan ko siya sa isang table. Ayon! Ang punyemas! Nakikipagdaldalan sa mga matatanda. Gosh! Lola mo na 'yan Red.

Nakikipagtawanan pa siya. Kaya pala ang tagal-tagal niya ah. Trying to impress them? Pinapanood ko lang sila rito at kausap pa niya si Kate.

Hindi man lang ako naisip. Hindi man lang naisip na isinama niya ako at iniwanang mag-isa rito! Siyempre, paano niya maiisip? May pakialam ba siya sa'yo?

Yumuko na lamang ako at nilaro ang aking mga daliri. Wala pa naman siya eh. Sana huwag na nga lang siyang bumalik! Piste siya.

Lagi na lang akong galit sa kuwentong ito, nakakainis na.

Napatingin ako sa kuko nang mapansin na tila tinubuan na ito ng kamote. Saan ko ito nalubog at ang dumi?

Napansin ko lang, si Kate parang dumi sa kuko ko eh. Yung pinagsisiksikan pa rin niya yung sarili niya kay Red. Kagaya nitong dumi, siksik ng siksik sa kuko ko, ilang beses ko nang natagtag.

Anong konek? Wala diba? Parang kami.

"Hey." Agad akong napaangat ng tingin sa aking harapan.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Luhan. Gwapo naman. Gosh. Pero mas pogi pa rin talaga si Red para sa pisteng mga mata ko.

"Hey rin."Walang ganang sambit ko sa kaniya. Tumawa naman ito. Anong nakakatawa?

"Bakit ganiyan ang mukha mo?" Umupo siya sa tabi ko.

"Bakit? Anong meron sa mukha ko? Hindi mo na mababago 'yan. Diyosa na talaga." Seryosong sambit ko ngunit natigilan ako nang humalakhak ito.

Hindi naman ako nagbibiro ah? Tunay 'yon!

"Nakakatuwa ka. Teka." Napalingon siya sa mga table sa tabi. "Ikaw lang mag isa rito? Asan si Drake?"

Ako lang, May nakikita ka ba Luhan bukod sa ating dalawa? Gosh.

"Si Red? Ayon, kasama ni Kate." Sagot ko na lang. Nakakatamad magsalita eh. Badmood ako.

Ngumiti ito kaya kitang kita ko ang kaniya
ang mapuputing ngipin. Whoa. Mala endorser ng close-up toothpaste ah.

"Erin.." tawag pansin niya sa'kin. Lumingon naman ako sa kaniya at hinintay ang sunod pa niyang sasabihin.

"Hm? Ano 'yon?" Alinlangan siyang ngumiti. Ano ba kasing sasabihin nito? Mukha siyang natatae na hindi eh.

"Wala ka namang boyfriend diba?" Tanong niya pa. Pajulit-julit bhie ah.

"Oo, bakit? Teka nga. Kinakabahan ako sa'yo ah." Biro ko pa. Pero seryoso pa rin ang mukha niya. Gosh!

"Can I court--" Hindi na naman natapos ni Luhan ang sasabihin niya dahil may nagsalita sa harap namin.

Bakit ba lagi na lang niyang hindi naiituloy?

"Erin Gaile, let's go?" Mariing sambit ng lalaking nakatayo sa harap namin.

At alam ko na kung sino ito? Ang malanding si Pula! Teka. Ngayon ko lang narinig na tinawag niya ko sa buong pangalan ko ah. Hmm. Hehe sarap pakinggan.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now