CHAPTER 15

14.6K 247 12
                                    

ERIN'S POV

Nakaupo lang ako sa aking kama at siyempre nagmumuni-muni. Wala akong magawa eh.

Pagkatapos ko kasing bigkasin ang pamatay kong linyahan kay Pula ayon at dali-dali akong pumasok sa kuwarto. You know? Red is nakakatakot! Gosh!

Abala pa rin ako sa pag-iisip at pag-iimagine nang mag-ring ang phone ko.

Kinuha ko na lang ito sa table at agad na sinagot. Walang tinginan.

"Hello?" Paunang sabi ko.

"Erin?! Jusme! Baliw ka!"

Napatakip ako ng bibig ko. Grabe makabaliw 'to ah.

"Kanina pa kita tinatawagan!" Si Abby 'to.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Sorry naman. Hindi ko napansin." She sighed. "Bakit ka ba kasi tumawag?"

"I just want to know kung nakauwi ka ba ng maayos? Ano? Nagalit ba ang magaling mong asawa?" Sarkastikong aniya.

Napairap ako. Akala ko naman kung ano na.

"Makakausap ba kita ngayon kung hindi ako nakauwi ng maayos? Duh!"

"Luh? Kinakausap ka ng maayos ah! Psh! Ano, nagalit ba siya?" Bakit ba tanong nang tanong 'to?

Napaisip naman ako. Nagalit nga ba siya? Parang medyo na hindi? Hays. Hirap naman kasi ng Pulang 'yon.

"Ewan? Siguro. Hindi ko alam."

"Ayos ang sagot mo ah. Naintindihan ko." Sarkastikong aniya. "Ano bang nangyari?"

Gosh! Daming tanong.

"Ano..pag-uwi ko kasi, tinanong niya lang naman kung saan ako nanggaling. 'Yon lang." Nakasimangot kong saad.

Ewan ko ba bakit bigla akong lumungkot. Kanina kasi habang nakatulala ako, naisip ko na parang wala namang pupuntahan 'tong pagsasama namin ni Red. Siyempre alam ko naman kung bakit kami nagpakasal. Dalawang taon na kaming kasal pero parang walang nangyayari, minsan naiisip ko talaga na hindi talaga kami para sa isat-isa. Sad but true.

Kaya kung sino man 'yong nakatadhana kay Red. Ang ganda mo, Erin.

Charot.

Ewan. Nakakapanlumo lang. Siguro, maghihiwalay din kami. Hindi naman talaga kami magtatagal. Mga magjowa nga riyan, ilang beses nagpangakuan na matulog ng maaga at pakakasalan pa? Ayon, hiwalay na.

Oh iwas kayo.

"Oh? At least hindi siya nagalit at may pakialam na siya sa'yo." Nabalik lang ako sa wisyo nang magsalita ulit siya. Nandito pa pala 'to?

"Hmm. Teka, 'yan lang ba ang itinawag mo sa'kin?" Takang tanong ko.

Alam ko namang may kailangan 'to kaya siya tumawag. Duh. Alam ko ang takbo ng bituka nito ng bruhang 'to.

Natahimik siya bigla. "Eriin? Bessy."

Napairap ako. Ang sweet ah.

"Puwede bang samahan mo ako tomorrow?" Sabi na nga ba!

Naiimagine ko ang mukha niyang nagpapacute. Gosh!

"Ano pa nga bang magagawa ko. Saan ba?"

Tumawa ang gaga. "Sa mall lang naman, may bibilhin kasi ako eh." Aniya.

"Sige ba. Basta alam mo na ah? Libre. Ehem."

Siyempre, magpapasama siya sa'kin eh. Alangan namang gastos ko pa 'no? Ala hoy. Kahit magkaibigan kami, walang ganiyan. Hindi naman kasi ako nanghihingi kay Red 'no! Baka sabihin pa noon na totoong mukha talaga akong pera.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now