CHAPTER 40

14.6K 215 11
                                    

ERIN'S POV

Nagising ako sa marahang pagtapik sa aking pisngi. Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sa'kin ang nakabusangot na mukha ni Red.

"Kanina pa kita ginigising." Nakasimangot niyang sinabi.

Kinusot ko ang mga mata ko.

"Anong oras na?" Medyo paos ang boses ko. Bumasangot siya lalo.

Inaano ko ba 'to?

"Seven na. Halika sa baba, dinner na." nagulat ako.

Gabi na? Ganoon ako katagal natulog?

"Weh? 7PM na? Ang tagal ko namang nakatulog." Bulong ko at agad na bumangon.

Agad siyang kumilos upang iabot ang kamay sa'kin. Nginisian ko siya at inabot ang kanyang kamay. "Binuhat mo ako papunta rito?" Tanong ko pagkababa sa kama. He nodded.

Hindi na rin ako nagsalita at tumango na lang din. Ang alam ko kasi ay nasa sasakyan pa ako.

Tumungo na kami sa dining room at umupo sa upuan. Nagulat ako dahil nagluto siya. Tiningnan ko agad siya.

"Ikaw nagluto?" Takang tanong ko.

Ngumisi siya at tumango. "Yeah. Tulog ka eh."

"Uh. Hmm. Masarap kaya?" Pang aasar ko.

Buong tapang siyang tumingala, Nagyayabang.

"Masarap 'yan."

Tumaas ang kilay ko.

"Paano mo nasabi?" Pang iinis ko pero ngumisi lang siya.

"Ako pa nga lang, masarap na. Niluto ko pa kaya?" Nanlaki ang mga mata ko.

Napaawang ang bibig ko at hindi nakapagsalita.

S-Saan niya 'yon nakuha?

"Speechless, wife." Halakhak niya. Umiling ako.

Gagi.

"Gosh! Ang baduy!" Binalewala ko ang sinabi niya at nagpatuloy na lang sa pagkain. 'Yan, ganyan nga! Kumain na lang!

Natapos na kami sa pagkain. Naghuhugas ako ng pinggan. Tumunog ang cellphone ko. Taranta kong pinunasan ang mga kamay at hinugot ang cellphone sa bulsa.

Si Abby. Sinagot ko ito.

"Oh, hello?"

"Kumusta ka?" Malungkot ang boses niya. Kinabahan naman ako.

"A-Ayos lang naman." Pinilit kong tumawa.

Bumuntong hininga ang nasa kabilang linya.

"You don't have to pretend, Erin. Alam ko na." Napangiwi ako.

Alam ko na kung sino nagsabi? Ipapaputol ko ang daliri ko pag hindi siya!

"Sinong nagsabi sa'yo?"

"Edi ang best friend mo!" Matabang na aniya.

Sinabi na nga ba! Ang daldal talaga ni Carla.

"Psh! Sinabi ko na sa'yong sasama ako! Pero ayaw mo naman!" Naiimagine ko na agad ang mukha nito. Nanggigigil na 'to sa'kin. Pusta!

"Ayos lang naman ako e."

"Anong pakiramdam?" Bakas pa rin ang inis sa boses niya.

"Anong, anong pakiramdam?"

"Anong pakiramdam nang malaman mong hindi mo pala siya nanay? Psh! Ang astig ng eksena niyo ha! May paiyak, may paawat daw na naganap! Sayang! Wala ako roon! Gusto ko pa namang makita ang itsura mong tumutulo na ang sipon sa kaiiyak! Psh!" Napapikit ako.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now