CHAPTER 38

11.9K 205 17
                                    

DRAKE RED'S POV

"Ako ang sinisisi niyo? 'Yon ang nararamdaman niyo diba? Sana inalam niyo rin 'yong nararamdaman ko! Hindi 'yong puro lang kayo! Kung sinisisi niyo ako! Labis pa roon ang nararamdaman ko! Labis kong kinamumuhian ang sarili ko! Dahil nawala iyong pinakamamahal kong tao, nawala ng dahil sa'kin! Nawala 'yong taong bukod tanging nakakaintindi sa akin. Siguro tama nga sila. Wala akong kuwenta at estupida. D-Dapat ako na lang 'yong n-nawala."

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naaawa ako pero alam kong matapang siya. Ngayon ko lang nakita siyang ganiyan. 'Yong parang kinimkim lahat ng lungkot at ngayon lang nailabas. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi pa ito ang tamang oras para makisali ako.

Masyadong mainit sa pagitan nila at hindi ko alam kung paano sisingit!

Natahimik ang lahat sa sunod-sunod na pagtulo ng luha ni Erin. Hindi nakatingin si Tita pero ramdam kong alam niyang umiiyak ang anak niya. Natulala si Tito habang inaalalayan ang asawa. Si Daddy at Mommy naman ay magkayakap habang nakatingin sa dalawa. Napatingin ako kina Luhan at Carla, walang tigil sa pag iyak ang babae samantalang nakayuko lang ang kaibigan ko.

"Naisip niyo ba na baka..." Nag angat ng tingin ang lahat kay Erin nang magsalita ito matapos tumahan. "...na baka mas nasasaktan ako kasi ako 'yong may kasalanan kasi sa akin lahat ng sisi, naisip niyo ba..na naging mahirap din sa parte ko?"

Tumigil siya saglit at pinunasan ang luhang nanlandas sa pisngi. 

"Araw-araw kong iniisip 'yong pagkawala niya! Gabi-gabi ko 'yong iniiyakan! Walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko! Ma, alam ko 'yon. Kaya hindi n-niyo kailangang ipaalala sa akin." saka siya yumuko.

Napalingon ang ginang dito. "Hindi mo ako masisisi, Erin! Ina ako! Kaya ganito ako mag alala! Hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa kaniya! Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya? K-Kung ayos lang ba siya? Kung nasa maayos ba siyang kalagayan?  Lahat ng sagot doon h-hindi ko alam! Dahil sa kapabayaan mo!!" Inis at galit na sabi nito pero tumutulo ang kanyang mga luha.

Nag-angat ng tingin si Erin sa kaniya. Tinitigan niya ang ina na para bang hindi niya ito kilala saka siya umiling iling na parang dismayado sa kaniyang sinabi.

"Dahil sa kapabayaan ko?" Hindi siya makapaniwalang namaywang sa kaharap. "Are you really sure, Ma? Sa kapabayaan ko nga ba? Ako ba ang ate sa aming dalawa? Sasabihin ko ulit 'to sa 'yo. Bata pa ako noon at hindi ko hawak kung ano ang mangyayari! Gusto ko lang maglaro at hindi ko gustong mawala ang aking kalaro!" Mariing aniya.

Napasinghap ang lahat.

"Mukhang baliktad yata! Hindi ba't sa'yo ko dapat yan sabihin? Sa sobrang tutok niyong dalawa sa trabaho niyo, napabayaan niyo kami! Sino sa ating dalawa ang pabaya? Ha?!" Sigaw niya.

"Erin!!" Suway ni Tito pero hindi man lang siya nito nilingon.

Napapikit ako at napatingin sa babaeng nangingilid ang luha at nakakuyom ang kamao. Galit siya, 'yon lang ang alam ko.

"Ang kapal ng mukha mo! Sinusumbatan mo kami ng papa mo sa ginawa namin para maging maayos ang buhay niyo?! I can't believe you!!" Huminga siya ng malalim.  "Mabuti na lang talaga at nag asawa ka na! Para wala na akong problema!"

"Oo nga! Mabuti na lang talaga at nag asawa na ako 'no? Siguro naging masaya kayong nawala ako rito? Na hindi niyo na ako nakikita? Nakakasama? Diba? Ni kahit tawagan at kumustahin nga hindi niyo nagawa. Ano pa bang aasahan ko?" Inayos niya saglit ang kanyang buhok at tumingala.

"Siguro naman kahit papano, nakatulong ako sa inyo. Kahit puro problema ang dala ko, may nagawa naman akong tama sa paningin niyo. Ito! Itong pagpapakasal ko. Alam kong ito lang ang bagay na ginawa ko na naging masaya kayo. Ginusto niyo 'to diba? Ginusto niyo 'to. Kahit na hindi pabor sa amin. Pero sinunod ko pa rin! k-kasi alam kong makakatulong.." She took a deep breath.  "Kahit hindi niyo alam kung anong naging epekto noon sa aming dalawa. Nasira niyo ang buhay niya!" Sabay turo niya sa'kin. Nagulat ako. Natigilan ako at napatitig sa kaniya. "Hindi niyo alam na may iba siyang minamahal pero anong nangyari? Wala! Napilitan siya kasi 'yon ang gusto niyo!"

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now