CHAPTER 30

16.5K 219 17
                                    

ERIN'S POV

Kasalukuyan akong nag aayos ng aking  sarili. Katatapos ko lang kasi sa paglilinis at malapit ng mag 11AM! Grabe naman. Ang bilis ng oras.

Nagsuot lang ako ng fitted pants. I partnered it with my v-neck shirt. My favorite!  Siyempre naglagay din ako ng kaunting make-up.

Lumabas na ako ng gate at nagpara ng taxi. Buti naman hindi na si Manong ang driver nito. Kung hindi, iisipin ko na talagang kami ang itinadhana.

Nakakaumay rin ang peslak niya 'no. Joke.

Nagpahatid ako sa 'Dream Restaurant' astig ng pangalan!

Inayos ko muna ang mukha ko habang nasa loob ng sasakyan.

Hmm! Mukha naman akong tao

Sambit ko sa sarili pagkakita ko sa salamin.

Kinuha ko muna ang phone ko sa'king bag. Itetext ko muna si Luhan.

To: Luhan

On the way na ko. Hahaha! Medyo mal-late.

Sent. 10:54 am

Itinago ko na ang cellphone pagkatapos kong isend. Nagfocus muna ako sa daan.

Napahikab ako. Nakakatamad talaga. Ang sarap matulog. Matutulog talaga ako pagkauwi ko!

Ilang sandali pa ay tumigil na ang taxi'ng sinasakyan ko. Tumingin ako sa labas at nandito na nga ako. Lumabas ako ng sasakyan at nagbayad. Pumasok agad ako ng restaurant.

Hinanap ko si Luhan pagkapasok ko, hindi naman ako nahirapan dahil kita ko na agad siya. Nakaupo siya sa bandang dulo. Ngumiti siya sa akin at kumaway, ngumiti rin ako.

Lumapit ako sa puwesto niya. Ipinaghila niya pa ako ng mauupuan. Punyemas! Gentleman!

"Kanina ka pa?" Tanong ko agad pagkaupo. Umiling naman siya at nginitian ako.

"Kararating ko lang din." nakakahawa talaga ang ngiti nito ni Luhan.

"Ah. Akala ko kanina ka pa." Iginala ko ang paningin ko sa table at nagtaka ako ng nasa tatluhan pala kaming table.

Sino naman ang kasama namin?

"May kasama ba tayo?" Nagtatakang tanong ko.

Nakamot niya ang batok at tumango.

"Oo. Ang tagal nga noon e. Ah, ayos lang ba?" kakamot kamot sa ulong aniya.

Tumango na lamang ako. Wala na akong magagawa. Alangan naman pauwiin pa namin 'yong kasama niya. Nakakahiya.

Nag order na siya ng iba't-ibang ibang klase ng pagkain. Hindi ko naman trip ang iba. Pero keri lang, mukha namang masarap.

Nagsimula na akong kumain. Pasensya na, sa gutom na ako eh. Bahala siya kung hihintayin niya pa rin kung sino man ang kasama niya.

Abala ako sa pagkain nang may umupo sa tabi ko.

"Sorry. Traffic." anang katabi ko.

Napatigil ako sa akmang pagsubo nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Dahan-dahan akong napalingon sa aking katabi at halos manlaki ang mga mata ko.

Anong?...anong ginagawa niya rito?

Ngumisi siya sa akin, tila gustong-gusto ang reaksyon ko. Inayos niya pa ang buhok na nalipad yata ng hangin dahil magulo pa.

"Dude, hindi ka naman late." mahihimigan ang pagkasarkastiko sa boses ni Luhan.

Napatingin naman si Red dito.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon