CHAPTER 60

21.2K 246 13
                                    

This would be the last chapter of The Unwanted Wife! Thank you for your love and support to their story! I hope you had fun and you have learned a lesson while reading this.

Next update would be the epilogue.

ERIN'S POV

"Ayaw mo ba talagang sunduin kita?" Napairap ako sa itinanong niya. Nakailang tanong na siya sa'kin niyan.

"Oo nga, ang kulit mo!"

"Erin, nag aalala lang ako. Bakit ba mas gusto mong bumyahe? May sasakyan naman tayo." Iritableng aniya.

Napaismid ako. "Eh sa gusto ko eh! Ayoko sa kotse. Makakauwi rin naman ako riyan ng ligtas!" Sigaw ko sa kanya sa cellphone.

He sighed. "Alright. Sorry. Maya-maya ako tatawag sa'yo, hawakan mo ang cellphone mo, okay?" Rinig ko ang pag aalala sa boses niya.

Ngumiti ako at tumango kahit hindi niya nakikita. "Okay, sige na. "

"Sige, I love you. I kiss mo ako kay baby." Buntong hininga niya.

"Baliw! Paano ko siya makikiss? Ang hirap kaya!" Hinawakan ko ang tiyan kong tatlong buwan na.

Nagtagumpay nga si Red matapos niyang sabihin na dadalhin ko ang anak niya. Kaya ito ako ngayon parang nakalunok ng pakwan.

Matapos ang naganap na pagp-propose ay isang buwan ang ginawang pagp-prepare para sa kasal namin. Natatawa pa rin ako pag naaalala ang nangyari sa amin sa mismong araw ng kasal.

"Kinakabahan ako, Mama." Bulong ko kay Mama Elena.

"Shh, it's normal. Just relax, okay?"

Tumango ako. Bumukas ang malaking pintuan hudyat na papasok na kami. Abot sa langit ang kaba ko nang makita ang mga taong nakatayo at nakadungaw sa'kin.

Ako lang 'to, please.

Huminga ako ng malalim at hinawakan sila Papa at Mama Elena. Ngumiti sa'kin si Mama na nangingilid ang mga luha. Hawak ko ang bulaklak sa aking kamay.

Diretso ang tingin ko sa lalaking nanghihintay sa akin sa altar. Hindi 'yong Father ha. Si Red.

Nakangiting nakatingin siya sa'kin. Pinagmamasdan akong maglakad palapit sa kanya. Napalunok ako sa paraan ng pagtingin niya. Bumitaw sa'kin si Mama Elena at Papa. Napahinga ako ng malalim 'yong sobrang tindi!

Punyemas! Kinakabahan ako!

Nang magsimula ulit akong maglakad ay nagtaka ako nang naapakan ko ang suot kong gown. Nanlaki ang mga mata ko nang huli ko nang narealize na...

Babagsak ako mga besh!

Iba't-ibang tao ang tumawag sa'kin nang slow motion ang ginawang pagbagsak ko. Kitang-kita ko ang mukha ni Red na napasigaw pa. Mabilis siyang tumakbo palapit sa'kin para saluhin ako pero..

Napahalik na ako sa sahig. Pota.

"Oh my God!" Sigaw ng iba.

"Hala, Anong nangyari?"

Bumagsak ako, dzai!

"Erin?! Jusme!" Sigaw ni Carla.

"Ano ba 'yan! HAHAHA ang epic!"

Napatagilid ang ulo ko at napairap na lang. Nakakainis. Inis kong tiningnan si Papa na natulala na sa nangyari.

"Pa, may balak ka bang tulungan ako?"

Napakurap siya at mabilis na dumalo sa'kin. Pero bago pa niya ako matulungan ay lumutang na ako sa sahig. Napatili ako at nakita ko na lang ang mukha niyang nakakunot ang noo at kagat ang labi. Pinipigilan ang pagtawa.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon