CHAPTER 58

29K 309 88
                                    

WARNING: R-18

ERIN'S POV

Nang sumunod na araw ay wala akong ginawa kundi ang humilata at maglibot sa bahay. Nakakapagod din pala ang walang ginagawa.

"Oh, eh bakit nga kayo nagkita?" Tanong ni Abby habang nilalantakan ang chichirya sa lamesa.

Dumalaw sila rito dahil wala rin naman silang ginagawa. Umupo ako sa gitna nilang dalawa at kumuha na rin ng pagkain.

"Naubusan nga ako ng gas. Sakto namang may padaan na kotse kaya hinarang ko. " Tiningnan ko sila. Ngumiwi si Abby at natawa naman si Carla. "Bumaba si Kate at syempre kasunod niya si Red. Kaya ayun.." ngumuso pa ako nang maalala na magkatabi sila sa front seat.

"Iba talaga maglaro ang tadhana!" Utas ni Carla.

Humilig si Abby. "Anong reaksyon ni Drake nang makita ka?"

Ngumuso ako. "Wala."

"Weh? 'Yong totoo?"

"Wala nga."

Tumingin sa'kin si Carla. "Sigurado ka? As in wala?"

"Wala. Parang normal lang. Ako pa nga ang nagulat nang makita ko siya. Nakalimutan niya na nga yata ako." Buntong hininga ko.

Siniko ako ni Carla. "Ay ang nega mo! Baka naman hindi niya lang pinahalata sa'yo pero deep inside baka mahubaran ka pa noon sa pagkamiss niya sa'yo!"

Ngumiwi ako sa sinabi niya. "Yong bunganga mo!"

"Oh, bunganga pa rin!"

Humalakhak si Abby. "Eh bakit noong nabanggit ni Darren si Dr. Park e halos durugin na niya ang baso."

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa taas na parang inaalala ang nangyari.

Humalakhak siya. "I knew it! He's jealous! Hahaha! He even followed you that night!"

Ngumuso ako. Hindi lang siya basta sumunod. Hinalikan pa niya ako. Naalala ko na naman ang sinabi niya sa'kin bago niya ako iwanang nakatulala.

"Ha? Ano 'yon? Bakit hindi ko 'yon alam?" Tanong ni Carla.

Binatukan siya ni Abby habang natatawa.

"Baliw ka! Pakalasing pa more!"

"Ane rew?" Aniya.

Tumawa ako at binatukan din sya.
"Inakyat ka na ni Luhan noong dumating kami, lasing na lasing ka!"

Umakto siyang nag iisip habang hawak ang ulong binatukan namin.

"Ah! Oo! Alam ko na!" Tumingin siya sa amin ng nanlilisik ang mga mata. "Ang sakit ng batok niyo ah! Kailangan may kasamang batok ah?"

"Para maalala mo agad!" Halakhak ni Abby.

"Oo, e teka anong nangyari noong hinatid ka ni Luhan?" Tanong ko. Ang tagal kasing bumaba ni Luhan noon eh.

"Ala! Oo nga. Anong nangyari ah?" Si Abby.

Namula ang pisngi ni Carla. "H-Ha? Ano? Wala akong alam!"

"Wag ako!" Humalakhak si Abby.

Lalong namula si Carla at tinakpan ang mukha niya. "Manahimik nga kayo! "

Asus! Nahiya pa!

"Okay, hindi ka na namin pipilitin." Saad ko.

Tinanggal niya ang kamay sa mukha at tinitigan ako. "Imbes na nakikitsismis ka diyan! Makipagbati ka na kay Drake, Erina!" Bulyaw niya sa'kin.

Nagulat ako at napalayo sa kanya.

"Grabe! Sakit mo sa tainga!"

"Makipagbati ka na kay Drake!"

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora