CHAPTER 44

12.9K 201 12
                                    

ERIN'S POV

Nagising ako sa marahang paghaplos sa aking mukha. Kinilabutan ako dahil doon ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Hinayaan ko lang ang ginagawa ng taong ito.

Na alam ko naman kung sino.

"Sorry..." bumilis agad ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang hininga niya sa may mukha ko. Walang tigil sa paghaplos ang kaniyang kamay sa pisngi ko. Huminga siya ng malalim.

"Sorry sa inasta ko. Nag init lang talaga ang dugo ko nang sabihin niyang mahal ka pa rin niya.." bumuntong hininga siya saglit at umayos ng higa. Ramdam ko kasing gumalaw ang kama. Nanatili akong nakapikit at pinapakiramdaman lang siya.

"Hindi lang talaga ako makapaniwala. Ang tagal tagal niyang hinahanap ang ex niya. Tapos ikaw lang pala 'yon." Lumunok ako dahil ramdam kong galit siya nang sabihin niya ang mga salitang binitiwan niya.

"Kinikuwento ka niya sa'kin lagi pero bakit hindi ko agad naramdaman. Akalain mo 'yon? Asawa ko na ngayon ang ex ng pinsan ko. Funny right?" Natatawang sambit niya. Palihim akong sumagap ng hangin. Para akong nasasakal.

Gusto ko nang magmulat huhuhu.

"Sinabi ko sa kaniya noon na tutulungan ko siyang mahanap ang babaeng mahal niya. " Marahang sabi niya. "But fuck! Ikaw? Hindi ko kaya. Hindi ko siya matutulungan doon at ayoko talaga." Napasinghap ako nang maramdaman ang marahang paghaplos ng mga daliri niya pamula sa aking mga mata.

"Hindi ko kaya..." aniya habang patuloy sa paghaplos. Nilaro niya ang tungki ng ilong ko. Napakislot ako dala ng kiliti.

May sapak 'to sa'kin mamaya. Gosh.

"Sa oras na dumating na si Lolo, padadaliin ko na ang sitwasyon natin." bulong niya.

Dumapo ang daliri niya sa labi ko. Maingat niya 'yong hinaplos. Dahan-dahan naman akong napalunok.

Punyemas, pinapahirapan mo ako, agang-aga.

"Open your eyes." nagulat ako. Mas ipinikit ko pa ang mga mata. Narinig ko ang pagtawa niya.

Alam niya bang gising ako?

"Alam kong gising ka." Bulong na naman niya. Hindi ako kumibo, umungol pa ako para makadagdag sa pagpapanggap. "Damn, baby. Stop moaning, you're waking him up." Nanunuyang sinabi. Nahigit ko bigla ang hininga.

Jusme. Punyemas na 'to.

"Just open your eyes. I know you're awake."

Dahil doon ay dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa'kin si Red na namumula ang tainga. Nangunot ang noo ko.

"Anyare sa'yo?" Inirapan niya lang ako at agad na lumapit sa'kin. Lumayo ako agad.

"Ops! Diyan ka lang. "

"Why?" Kunot noong tanong niya.

"Kagigising ko pa lang."

"Kanina ka pa gising." nakangising sambit niya na para bang sobrang talino niya dahil alam niya. Napaikot ako ng mga mata.

"Edi kam-mulat ko pa lang ng mga mata. Ayan, ayos na?" Nanunuyang ani ko. Natawa lang siya. Lumapit ulit siya sa'kin.

"Narinig mo?" Hindi siya nakatingin sa'kin. Sinundan ko kung saan iyon at napag alaman kung sa bintana.

"Sige lang. Kausapin ka kaya niyan?" Napalingon siya sa'kin ng sabihin ko 'yon. "Oh, bakit?"

"Tinatanong kita."

"Ako? Oh ang bintana?" Nangunot ang noo niya. Napaikot na naman ako ng mga mata. "Sa bintana ka nakatingin eh." Napahinga siya ng malalim at napailing.

"Ikaw ang kinakausap ko.." humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Natigilan siya roon. "B-Bakit?" Nginitian ko siya.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now