CHAPTER 29

14.4K 215 15
                                    

DRAKE RED'S POV

Hindi ko alam pero ayaw ko talaga sa inaasta ngayon ng babaeng 'yon. Peste! Talagang tinotoo talaga niya ah. Akala ko nagbibiro lang talaga siya roon sa sinabi niya pero hindi pala.

Napasimangot ako nang maalala ang paghuhugas niya kanina. May pangiti-ngiti pa siya. Ha! Nang dahil ba kay Luhan?!

Naiinis ako sa hindi malamang dahilan.

Umakyat na lamang ako sa taas upang tumungo sa kuwarto. Tss. Tinatamad na akong kumain. Bahala na siya kung magutom man siya. May pagkain naman diyan.

I entered the room. I opened my phone and it has missed calls. Tss. It's Darren!

Ang kulit talaga. Magkikita nga pala kami noon. Walang gana ko itong initsa sa kama at tumungo sa bathroom. Magpapalamig muna ako.

As soon as I finished, I immediately went out and changed my clothes. I quickly lay down on the bed. I tried to sleep, but I couldn't fall asleep.

I let out a huge sigh.

Tumayo ako at tumungo sa labas. Dumiretso ako sa salas. Dito na muna ako habang hindi pa ako inaantok. Umupo ako at isinandal ang aking ulo. Tss. I'm so fucking tired.

Ilang sandali ako sa ganoong posisyon nang mapadako ang mga mata ko sa isang larawan. Bumilis agad ang tibok ng puso ko.

Alam talaga ng puso ko kung sino ang tunay kong mahal. Napangiti ako sa isiping 'yon. Tama. Sa kaniya ko lang dapat ito maramdaman at hindi sa iba.

I stood up and took the picture. She's so gorgeous in this picture. I really love everything about her. I caressed it with my fingers. I stared at her picture the whole time. I didn't realize that tears were already streaming down my face.

Ang sakit. Why does she gave up so easily? Hindi ba puwedeng lumaban na lang kami parehas? Kung sinabi niyang ako pa rin, ipaglalaban ko naman siya e. Siya naman ang pipiliin ko. Wala sana ako sa ganitong sitwasyon kung naging matapang lang sana kami.

Patuloy ako sa paghaplos ng kaniyang larawan nang makarinig ako ng mga yabag pababa ng hagdan. Agad kong pinunasan ang aking mga luha.

"Anong ginagawa mo riyan?" Tanong niya pagkalapit sa akin. Hindi ko naman siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagtingin.

Umupo siya sa aking tabi at tiningnan ang larawan, napabuntong hininga siya nang makita niya kung sino iyon.

"Namimiss mo na siya.." malungkot ang kaniyang pagkakasabi. Tiningnan ko siya saglit at tumingin ulit sa larawan.

"Mahal na mahal mo pa rin siya 'no?"

Tumikhim ako bago nagsalita.

"Never did my love for her fade, not even once," I said with a smile. I stole a glance at her for a moment. She was looking down, smiling but I know she wasn't really happy.

Nagulat ako nang haplusin niya ang likod ko. Akala ko ba galit 'tong babaeng 'to sa akin? Ilang araw din niya akong hindi pinapansin ng ayos. Patuloy lang siya sa paghaplos.

"Hayaan mo pag natapos na tayo. I mean pag natapos na ang kailangan kong gawin. Magiging maayos na ulit ang buhay niyo."

Napatingin ako sa kaniya at seryoso siya.

"Magiging maayos nga ba?" Tanong ko.

Tumingin naman siya sa akin. Nagulat ako nang makitang basang-basa ang mukha niya.

Bakit ka umiiyak?

"Magiging maayos ang lahat, Red. Kaya sabihin mo roon sa Lolo mo na bilisan niya para hindi ka na masaktan." pinilit niyang tumawa pero lalo lamang bumuhos ang mga luha niya.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now