CHAPTER 27

14.4K 221 26
                                    

ERIN'S POV

Pagkalabas ko ng bahay ay siyempre naglakad muna ako palabas ng village. Kasi naman, ang yaman-yaman ng mga tao rito kaya halos wala ng taxi na nadaan.

Nawa'y lahat may kotse diba?

Gosh! Ang init! Nakalimutan ko magdala ng payong. Agad kong pinara ang taxi nang makitang palampas na ito.

Hinihingal akong pumasok sa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa'kin ang todong ngiti na si Manong.

Grabe! Tadhana talaga oh!

Alala niyo pa ba siya? Siya 'yong si Manong na nasasakyan ko lagi. 'Yong kalbo! Tumpak!

Ngintian niya ako, 'yong tipong labas ang gilagid at ngayon ko lang napansin na may braces pala siya.

Whoa. Yayamanin.

"Manong, kayo talaga ah. Feeling ko tuloy may gusto kayo sa akin." pang-aasar ko. Tumawa naman siya.

"Naku, hija--I mean, Ma'am." Astig, may pa I mean ang lolo niyo. "Feeling niyo lang ho 'yon." Aniya.

"Weh? Lagi na lang kasi kayo ang nasasakyan ko. Pansin niyo ba?"

Ngumiti siya at umiling-iing. Gosh! Slow rin 'to si Manong e.

"Nagkakataon lang ho 'yon. Malamang taxi driver ako e." Depensa niya pa.

Oh edi sige.

Hindi na lamang ako nagsalita. Wala naman akong masabi.

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana.

Nakakapagod palang hindi magsalita. Parang buhay ko na ang pagiging madaldal kaya nakakapanibago. Siyempre pinaninindigan ko talaga 'yong sinabi ko kay Red 'no! Titigilan ko na talaga siya. Para in case na dumating na 'yong Lolo niya at maghiwalay na kami. Hindi gaanong masakit para sa'kin. Gosh! Ang drama ko na masyado.

"Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" Napatigil ako sa pag d-daydream nang magsalita si Manong.

Tiningnan ko siya at nakatingin na siya sa akin.

"Ayos lang po ako. Kayo po ba? Lalong pumopogi kayo ah." pambobola ko. Napatawa naman siya.

"Hindi naman." Ay sus. Pahambol ang Manong!

Tumawa ako. "Ito naman. Joke lang po 'yon, Manong." sambit ko saka siya humagalpak ng tawa. 'Yong tipong utas na.

Nagulat ako nang umubo siya dahil sa matinding pagtawa. Hala siya.

"Dahan-dahan, Manong! Baka mapaaga ang pa-tinapay at pakape niyo niyan." Sambit ko.

At dahil doon lalo pa siyang tumawa. Hala siyaaa!

Hinayaan ko na lang siyang tumawa nang tumawa. Ang babaw ng kaligayahan nito 'no?

Maya-maya pa'y napansin kong napahawak na siya sa kaniyang dibdib at panay ubo na ulit.

"Hija, t-tulong!" Sambit niya. Napairap na lamang ako.

"Tigas kasi ng ulo niyo e." Ani ko pero agad naman akong pumunta sa likuran niya at pinalo-palo ko 'yong likod niya para makahinga naman siya.

Gosh! Walang water e.

"Kasi, Manong too much laugh will kill you." napapailing kong saad habang patuloy na pinapalo ang likod niya.

Naguluhan siya. "Teka, Too much love yata 'yon ah." singit niya.

"Too much love? Sige nga, Manong. Anong ginawa niyo ngayon?" Mataray kong tanong.

Nangunot ang noo niya. "Tumawa ako."

"Oh diba, kaya too much laugh 'yon. Walang basagan ng trip." Napalakas tuloy 'yong palo ko kaya ayon! Inubo na naman siya.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon