CHAPTER 11

14.4K 244 12
                                    

ERIN'S POV

"Bilisan mo!" Sigaw ng laman lupang buwisit na 'to.

Napakagentledog!

Ako ba naman ang pinagbukas ng gate? Wow! Siya dapat e! Duh! Kakauwi lang namin tapos ganoon agad ang bungad.

"Maghintay ka! Buwisit!" Sigaw ko rin sa kaniya habang binubuksan ng malaki ang gate.

Ang ganda ganda ng suot ko, aba! Then taga bukas lang ako ng gate rito. Asan ang hustisya?

Pagkatapos ko siyang asarin kanina, ayon nagalit na naman, kesyo hindi raw siya kinilig doon sa sinabi at sa pagyakap ko sa kaniya at saka bakit daw siya kikiligin sa akin? Ang pangit ko raw? Duh!

Ang kapal ng mukha niya! Baka sabihin niya pabebe siya. Namula naman ang buwisit!

Napatalon ako sa gulat nang biglang bumusina ang punyemas na 'to!

"Ano ba?! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Inis na sigaw ko rito.

Dumungaw siya sa bintana ng kotse at inirapan ako. Gosh!

"Stupid! Nakaharang ka!" Sigaw rin niya.

Napatingin naman ako sa puwesto ko at oo nga 'no? Nakaharang pala ako.

Napapahiya akong ngumiti sa kaniya at agad na tumabi. Nagpeace sign pa ako.

"Sorry!" Sambit ko.

Inirapan lang niya ako at agad na ipinasok ang sasakyan sa loob. Sininghalan ko pa siya bago isarado ang gate. Naiinis akong nagmartsa papasok ng bahay. Hindi ko talaga matanggap! Nakapumps at nakadress pa ako tapos ako talaga 'yong bumaba ng kotse para buksan ang mabigat na bakal na gate!

Napakasama mo! Hmp!

Nakita ko siya sa hagdan pagkapasok ko pa lang. Papunta na yata siya sa kaniyang kwarto. Nine na yata ang huling tingin ko sa cellphone.

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan na para makapunta ng kitchen. Kumuha ako ng tubig at uminom.

Paakyat na sana ako nang mag-ring ang phone ko.

Huh? Sino naman 'to? Unknown number eh. Sinagot ko naman agad hehe. Baka kasi ito 'yong sa mga paraffle na sinasalihan ko. Echos.

"Yes, Hello?" Sagot ko.

"Hmm? Erin?"

Nang marinig ko ang boses niya ay nanlaki agad ang mga mata ko. Paano niya nalaman ang number ko?!  Stalker ko ba siya?

Ang feelingggg naman.

"Erin?" Aniya pa nang hindi ako nakapagsalita.

Ginugulat mo naman ako, Luhan eh!

Napabuntong hininga naman ako.

"Y-Yes?" Kinakagat ko ang aking kuko sa sobrang pagkalito.

Para matagtag na rin 'yong dumi hehe.

"Nakauwi ka na?" Hindi ko maintindihan bakit kailangang may lambing ang boses niya.

"Ah, yes. Ano..nakauwi na ako." Ngumuso ako at sumandal sa pader malapit na sa hagdan. "Bakit?"

He chuckled. "Wala naman. Gusto ko lang malaman kung nakauwi ka ng maayos." Mahinang aniya.

Lalo akong napanguso. Ewan, natutuwa ako na nag-aalala siya. Ang cute rin kasi ng boses niya.

Ehe, keleg.

"Oo, hehe. Maayos naman akong nakauwi. Ikaw ba?" 'yon oh! Nagtanong pa talaga.

Huminga siya ng malalim. "Pauwi na rin."

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon