CHAPTER 25

15.7K 242 36
                                    

ERIN'S POV

Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa isang taong sobrang lapit ng mukha sa'kin.

Anong ginagawa niya sa kuwarto ko? At bakit nakayuko siya sa akin?

Sinasabi ko na nga ba! Kanina ko pa nararamdaman na may nakatitig sa'kin e.

May unggoy pala na nakadagan.

Kinurap-kurap ko ulit ang mga mata. Mukhang gulat na gulat din siya dahil sa biglaang pagmulat ko ni hindi na siya nakagalaw.

Tumikhim ako. "Baka gusto mong umalis sa harapan ko?"

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na lumayo sa akin.

Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga. Tiningnan ko siya ngunit mabilis niyang iniwas ang mga mata.

"M-May ano.." hinintay ko ang sasabihin niya. "May lamok. Yeah! May lamok kaya ano..lumapit ako." Mariin siyang napapikit.

Napaismid ako sa sinabi niya. Lamok ka riyan.

Hindi ko alam kung bakit may naisip na naman akong kalokohan. Ngumisi ako.

Umayos pa ako ng upo at inayos ko rin ang buhok ko. 

"What?" Kunot noong tanong niya sa'kin.

Lalo akong ngumisi.

"Sige na. Huwag ka ng mahiya."

Lalong nagsalubong ang dalawang kilay niya.

"What are you talking about?" Pilit siyang tumawa.

Sige lang.

Tinaas ko ang mukha at inanggulo pa ito. Marahan kong kinagat ang pang-ibabang labi.

"I know you want to kiss me." I smirked at him.

Nanlaki ang mga mata niya at umiwas ng tingin. Pinilit kong hindi matawa.

"Sige na. Ready na ako." Tinaas ko ang dalawang kamay ko na parang nanghihingi ng yakap saka ako ngumuso. "Bilis! Kiss na!"

Inis siyang lumingon sa akin ngunit umiwas ulit ng tingin.

Sus.

"Tss. Tumigil ka nga!" Iritadong aniya ngunit nagpipigil ng ngiti.

Nyenye.

Natawa na lamang ako. Binaba ko ang dalawang braso. Sumimangot siya at inilibot ang tingin sa'king kuwarto.

Sa aking kuwarto?-- Punyemas! Agad akong napatayo at dali-daling sinipat ang bawat sulok kung may hindi kaaya-ayang gamit na nakakalat.

Napahinga ako ng maluwag nang walang nakita. Baka kasi may mga panty at bra pa ako ritong pakalat-kalat diba? Basta pa naman ako maghubad kapag tinatamad na.

"Sa'yo ba 'to?" Awtomatikong napalingon ako nang magsalita ang unggoy.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko siyang hawak-hawak ang aking bra! Wahhh!

Mabilis ko iyong hinablot mula sa kaniya. Narinig ko pa ang mumunti niyang tawa. Gosh!

"Tumigil ka nga! Nagtanong ka pa, e ako lang naman ang babae rito!" Sigaw ko.

"We don't know." Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam na gumagamit ka pala niyan." He chuckled.

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Ngayon ko lang ulit siyang nakitang tumawa ng ganito at totoong ang guwapo niya kapag tumatawa.

I cleared my throat. "S-Siyempre! Babae ako 'no! At natural na gumagamit ako niyan! Bobo!"

Nanlaki ang mga mata niya. "Ako bobo?"

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon