CHAPTER 2

22K 323 39
                                    

ERIN'S POV

Napabuntong hininga ako at tumungo na sa loob ng bahay.

Pagpasok ko sa bahay ay tunog agad ng cellphone ang bumungad sa akin.Tinakbo ko ang hagdan at tumungo sa pinakadulo ng bahay na ito.

Doon pa kasi ang kuwarto ko eh. Grabe rinig ko ang ringtone ng phone ko 'no? Gano'n ka astig ang tainga ko.

Dinampot ko ang phone at sinagot ang tawag.

"Erin Gaile Shawn Anderson!" Nailayo ko agad ang phone ko sa tainga dahil sa sigaw na 'yon.

Tiningnan ko ang pangalan takte! Kaya pala naman eh. Si Abbigail. Ang butihin kong kaibigan. Pweh! Ang tinis talaga ng boses ng kalog na 'to.

"Bakit ba? Masakit sa tainga!" sigaw ko rin.

Tumawa ang babae. "Ang tagal mong sagutin eh. Anyare sa 'yo?" tanong niya pa.

"Pinagbuksan ko pa kasi ng gate si Red eh."

Tumikhim siya bago nagsalita.

"Si Red na naman. Jusko Erin! Hanggang kailan ka ba magpapakatanga riyan?"mapait na sambit niya.

Binuksan lang ng gate eh, tanga agad?

"Tsk! Hayaan mo na nga ako. Sige na! Bakit ka ba napatawag?"

"Oh sya! Bahala ka. Anyway kinukumusta lang naman kita."

Wow kinukumusta eh sermon agad ang binungad niya. Galing!

"Ayos naman ako." sagot ko na lang.

"Owkaaaay! Pakasaya ka sa asawa mong ubooood ng bait." sarkastikong dagdag niya. Tsk kahit kailan talaga!

"Sige na, Abby." Nawawalan ako ng gana kapag paulit-ulit nilang sinasabi iyon.

"Haha oh siya! Sige na nga, paalis pa ako eh. Bye Erin na maganda!"

Napangiti naman ako. Uto-uto.

"Take care." huling sambit ko at saka binaba ang tawag

"Ang babaeng 'yon. Tsk tsk." Sambit ko pa habang naiiling.

Bestfriend ko siya since highschool kaya ganiyan na lang kami kung magbangayan.

Maglilinis pa pala ako.

Agad akong tumayo at pumunta sa salas. Nilinis ko lahat! As in lahaaat ng kalat! Nilabhan ko rin ang dapat na labhan.

Pawis na pawis ako nang matapos sa lahat ng gawain, mukha na tuloy akong dugyot, gulo-gulo ang buhok, pawisan at ang baho ko na! Ugh!

Nagluto na rin ako ng dinner niya. Kumain na kasi ako. Never pa kaming nagkasabay kumain. Ewan ko ba riyan! Mukha ba kong matakaw at ayaw niya kong kasabay? Hmp.

Dumiretso ako sa kuwarto at naligo. Maya-maya pa'y narinig ko na ang tunog ng sasakyan. Mukhang nandito na siya ah.
Himala ang aga niya naman.

Sinilip ko ang oras sa wall clock at 7:30PM pa lang! Ay weh? Siya ba 'to? Ganon niya ba ako kamiss? Eyyyy asa.

Lumabas agad ako ng kuwarto upang tingnan ang bagong dating.

"Sinong kasama mo dito, honey?" Natigilan ako nang marinig ang sinambit ng isang boses babae.

Omg, honey?

"My wife." Simpleng sagot ni Red. Hindi man lang nilagyan ng dating ah.

Pusta, babae niya na naman 'yan.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at nakita ko sila sa couch na nakaupo. Wow ah?

"Oh! Siya ba ang asawa mo?" Maarteng tanong ng babaeng katabi niya.

Arte nito ah! Kalbuhin kita, you want?

"Unfortunately yeah." Ani Red. Tumingin pa sila sa akin.

Anong tinitingin-tingin niyo? Gusto niyo? Luh asa kayo.

Pero siyempre ngumiti ako sa kanila.

"Hi! I'm Erin Gaile Shawn Anderson." Oh ansabe! Kumpleto 'yan!

Ngumiti naman 'yong babae at ngayon ko lang sasabihin ito! Kailangan ba talaga? Puwede wag na? Huhu.

Hays oo na! Ang ganda niya. Ganito mga gusto ni Red eh. 'Yong mga babaeng alaga sa silka! Ayaw ipakagat sa mga lamok. Mga gano'n ba! Parang kahit mga langaw mahihiya dumapo sa kaniya.

Sana all!

"Hi Erin, My name is Macy." She smiled. Nainggit ako sa puti ng ngipin niya. "Macy De Verra." sambit niya. Wow parang katunog nung pangalan ng artista.

Lumingon muna siya kay Red bago tumingin ulit sa akin.

"And uh...I'm his g-girlfriend." Nag-aalinlangan nitong sambit.

Tumango na lang ako. Eh ano pa bang magagawa ko?

Hindi naman masakit.

Buwisit ka talaga, Pula! Ang sakit ah.

Bumusangot agad ang mukha ko na agad kong inayos. Bakit kahit ilang beses niya na itong ginawa sa akin, ang sakit pa rin talaga.

Hmp! Ang landi-landi mo, Red!

Dapat masanay na ako! Pero peste! Masakit pa rin talaga!

"Oh, I see." 'Yon na lamang ang sinagot ko. "Nagdinner na ba kayo?" Tanong ko pa.

Gosh, ang bait ko.

Bahagyang kumunot ang noo ni Red habang nakatingin sa akin.

"H-Huh? Uh..hindi pa." Alinlangang sagot ni Macy.

"Oh, well. Come here, nagluto ako. Kumain na lang kayo riyan ha?" Napalunok ako. "Inaantok na kasi ako eh. Sorry, hindi ko na kayo masasamahan." Ngiting-ngiti akong humarap sa kanila. Best plastik na ba ako?

Tatalikod na sana ako nang magsalita si Macy.

"Wait. Hindi ka ba magagalit? Sa akin? Kay Drake?" Kunot noong tanong niya. Buwisit, nagtanong pa talaga!

Bahagya akong ngumiti.

"Bakit naman Ate Macy?" Diniinan ko talaga ang 'ate' para ma feel niyang matanda siya sa akin. " Wala naman akong magagawa eh. And besides girlfriend ka ng asawa ko."

Nangangawit na ang bibig ko kangingiti sa babaeng 'to kaya huwag ka nang maraming tanong.

"Oh my god! Really?" Tsk! Pajulit julit? Hindi na ako sumagot.

Mahirap makipag-usap sa taong ganito.

"Uh, well. Thank you." Nakangiting sambit niya.

Ngumiti lang din ako. Sumilip pa ako kay Red na nakangangang nakatingin sa akin. Oh Ano? Hanga ka na naman, beh?

"Ehem. Ilagay niyo na lang diyan ang pagkakainan niyo. Ako na ang maghuhugas. Enjoy!" Agad akong tumalikod at humakbang palayo.

Kala mo ha! Fine sasakyan ko lahat ng gagawin mong laro! Pang ilan niya na bang babae si Macy? Ang dami niya na ring dinala rito eh! Gan'to lagi ang pinapakita ko sa kanila pag nagdadala siya ng aso rito.

Este babae pala.

Pero 'yong iba sinasabunutan ko talaga noon. Wala akong pakialam kung makalbo sila.

Favorite ko kasing mangalbo! Haha! Kahit masakit sa dibdib pero mas masakit pag wala kang dibdib! Huhu!

Pero kung doon siya masaya. Fine, bahala siya. Dami kong problema, dadagdag pa siya.

Humiga na ako at maya-maya'y nakatulog na.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon