EPILOGUE

28.5K 324 88
                                    

Wala na pong pov si Red, hmm pag-iisipan ko....pero wala talaga ih.(๑¯◡¯๑)

Thank you so much muns! I love you.

ERIN'S POV

"Honey, huwag kang tumakbo!" Sigaw ko sa anak ko.

Lumingon siya sa'kin. "Mom!" Aniya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Aba! Sinisigawan mo na ako?"

Ngumuso siya at lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"No, mom, I'm tolly."

Tuli na raw siya. Hihihi, I'm sorry 'yon, mga besh!

"It's fine. But, don't run okay? Baka madapa ka." Paalala ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at bibong tumango. "Yet, Mom!"

Nauna siyang naglakad palabas ng bahay. Naiiling na lang ako habang pinagmamasdan siya. Tatlong taon na siya pero utal pa rin pag minsan.

"Hey, baby?" Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso sa baywang ko. Sabay nito ang paghalik sa pisngi ko.

"Nakuha mo na ba ang bag sa itaas?"

"Yeah, ito na ba lahat 'yon?" Itinaas niya ang bitbit na bag. Puro kay Drain lamang iyon. Puro mga gamit niya.

"Yup, Tara na." Aya ko.

"Wait, Where's Drainy?"

Tumawa ako. "Nauna na sa kotse mo."

"That kid." Natatawang aniya.

Naalala ko pa noong pinagbubuntis ko 'yang si Drain. Halos pumangit ako. Hehe. Hirap na hirap ako tuwing umaga. Natatawa pa rin ako pag napag iinitan ko si Red.

"Ano ba?! Lumayo ka nga!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"Inano kita?"

Lumayo ako sa kanya at umupo ng ayos. "Wag kang dumikit sa'kin!"

"What?" His forehead creased.

Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Hindi mo gets? Huwag kang dumikit!"

Taka niya akong tiningnan. "Bakit ba ang init ng ulo mo?"

Tinarayan ko siya at binaling ang tingin sa TV. Lumapit siya sa'kin at malambing na lumingkis sa baywang ko.

Matalim ko siyang tiningnan. "Ano ba? Ang init init, kung makadikit ka!"

Ngumuso siya. "Malamig naman kaya. 'Yong ulo mo ang mainit."

"Lumayo ka, Red!"

"Why are you acting like that? Tss."

"Ewan ko. Basta tumahimik ka."

Nakanguso siyang lumayo sa'kin at umupo ng ayos habang nagpapa awa.

"Wag mo kong tingnan ng ganyan."

Lalo siyang ngumuso. "Baby, pagsabihan mo nga 'yang Mommy mo." Aniya habang nakatingin sa tiyan ko.

Tinarayan ko siya at nanatili ang tingin sa pinapanood. Tumayo siya at tumungo sa kusina. Narinig ko pa ang pagbulong-bulong niya.

"Ang taray taray. Tss. Papalambing lang eh."

Tumawa lang ako nang makaalis siya. Umupo ako at nakangiting nanood ng Mr. Bean. Hihihi.

Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa paulit ulit na pagsundot ng daliri sa pisngi ko.

"Hey, nagluto ako." Ngiti niya.

Tinulungan niya akong tumayo at pinaupo ng ayos. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya.

Ngumiti siya. "Ang tagal mong nakatulog. " Pinindot niya ang ilong ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now