CHAPTER 8

13.8K 219 15
                                    

ERIN'S POV

Nang makauwi ako ay agad akong umupo sa couch. Grabe! Napagod ako roon. Kinapa ko ang dibdib ko.Teka? Bakit wala akong dibdib? Ang tagal lumago, baka naman. Natraffic?

Sobra-sobra ang nangyari ngayong araw na ito. Kaloka. Nastress 'yong bangs ko.

Napabalikwas ako ng upo nang mag-ring ang phone ko. Gosh! Sino na naman ito?

Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino ang tumatawag, sinagot ko na agad.

"Hello?!" inis na bungad ko sa walang-hiyang sumira ng pahinga ko. Buwisit.

"Tss. Hello?"

My eyes widened! Agad akong napatingin sa phone ko nang marinig ang boses niya!

Oh my gosh!

Kaya naman pala. Buwisit talaga ito eh!

Teka, bakit ba 'to tumawag? May number ba ako sa kaniya?

Malamang Erina! Makakatawag ba 'yan kung wala? Engot!

Harsh naman nitong utak ko.

"Hello? Babae?!" sigaw ng punyemas na 'to sa kabilang linya.

"Yes? Hello, Red?" Mahinahong sambit ko.

Siyempre, pag sinabayan ko 'to sa init ng ulo niya baka sumabog kaming dalawa.

"Bakit ang tagal mong sumagot? Kanina pa akong nagsasalita rito." Inis na naman siya.

Kasalanan ko ba? Tatawag-tawag kang punyemas ka!

"Sorry. Ano nga 'yon?" Calm down, Erin. Habaan ang pasensya sa mukhang unggoy mong asawa.

"Tss. Anyway. Maghanda ka may pupuntahan tayo." Aniya. Isasama niya ako?

"Talaga? Anong ihahanda ko? Pansit? Adobo? What? Name it, Red." Pang-aasar ko pa.

Inis itong bumuntong-hininga. Ang pikon naman ng hubby ko hehe.

"Will you please-fuck! Where the hell is your brain huh?!" Sigaw na naman niya. Napakagat ako sa labi.

Gosh! Basag na ang eardrum ko rito. Sorry na, niloloko lang eh.

"Ito naman. Joke lang eh. Teka nga, akala ko ba hindi ka makakauwi ng maaga ha?" Pagtataray ko.

He sighed. "Basta. Magbihis ka ng maayos. Susunduin kita riyan."

"Wow! Talag-"  sasagot pa sana ako ngunit binabaan na ako ng tawag!

Mabilis akong tumayo at tiningnan ang oras. Ala sais na? Grabe ang bilis naman.

Umakyat ako at tumungo sa kuwarto, naligo at nagbihis. Sinuot ko ang simpleng dress na kulay bue. Naghanap rin ako ng maayos na pumps na babagay sa dress ko. Inilugay ko rin ang buhok ko at nag make up ng light. Nagpabango and... BAAM!

Tapos na!

Tumingin ako sa salamin. Inayos ko ang kaunting bangs sa gilid ng mukha ko. Sino 'to? Grabe, makakakita na nga lang ako ng dyosa sa salamin pa? Punyemas oh!

Napaayos ako ng tayo nang marinig ang doorbell. Sino naman kaya 'yon? Hindi naman siguro ito si Red kasi ang bilis naman kung ganoon.

Naglakad ako pababa at tumungo sa gate. Nang buksan ko ito, bumungad sakin si.... San Goku! Echos! Tumambad sa akin si Red na magkasalubong ang kilay. Galit na naman siya.

Teka, problema mo na naman? Saka bakit nag doorbell pa siya?

"The fuck, Erin! What took you so long?!" Tanong niya. Gosh! Galit na naman nga.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now