CHAPTER 59

24.1K 270 24
                                    

ERIN'S POV

Nagising ako nang maramdaman ang init na tumatama sa may paanan ko. Napatakip ako ng mga mata dahil sa antok ngunit hindi na ako makatulog.

Dinilat ko ang mga mata ko. Nakabukas na ang malaking kurtina at sikat na sikat ang araw. Tiningnan ko ang katabi at wala na si Red.

Panaginip ko lang ba 'yon?

Pero hindi. Tiningnan ko ang kabuuan ko. Nakabalot sa'king katawan ang kumot at ramdam na ramdam ko ang sakit sa pagitan ng mga hita ko.

Hindi iyon panaginip.

Dahan-dahan akong tumayo. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko dahil may suot naman akong panty at bra. Si Red yata ang nagsuot nito kagabi. Paika-ika ako sa sakit. Biruin mo, nakailan kami kagabi! Apat? Ewan basta napagod ako. Tumungo ako sa washroom at naghilamos, nag toothbrush na rin ako. Nasa kuwarto pala kami ni Red.

Tiningnan ko ang kabuuan sa salamin bago nagpasyang maligo na. Nakaisang oras yata ako dahil nagbabad pa ako sa tub bago naligo ng ayos.

Wala akong kahit anong damit sa loob ng bathroom kaya inabot ko ang robe at sinuot iyon. Ready na sana akong lumabas para makapagpalit ng damit nang bumungad sa akin si Red na nakaupo sa kama. Nanlaki ang mga mata ko at babalik na sana ulit sa CR ngunit nakita niya na ako.

Nahihiya ako! My gosh!

Tumayo siya at ngumisi sa'kin. Nakaramdam naman ako ng matinding hiya. May inom ako noon kagabi kaya wala akong hiya noon!

"Are you still sore?" He asked.

Napairap ako sa gulat. This man! "Oo naman! Anong akala mo sa'kin?!"

Nagulat siya at maya-maya'y tumawa. "Chill. I was just asking."

Maaliwalas ang mukha niya ngayon ah.

Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang dalawang braso ko. Hinaplos-haplos niya ang mga iyon kaya napapapikit ako. Hinawakan niya ang baywang ko at mas inilapit sa kanya.

Nagulat ako kaya napahawak ako sa dibdib niya.

"B-Bakit?"

Ngumisi siya. "Nothing. It's just that I couldn't believe what happened last night."

Ngumuso ako. "Ayaw mo?"

"What--No! Gusto ko! Gustong-gusto." Natawa ako. "Masaya ako dahil ako ang una mo, though there's nothing wrong if you have an experience but I am feel honored knowing that I am your first."

Uminit ang pisngi ko. I slapped him on his chest. "Nakakahiya."

"Bakit ka naman mahihiya?" He chuckled.

Umiling lang ako. "Bihis lang a—"

Hindi niya na ako pinatapos at hinalikan niya na agad ako. Nagulat ako sa ginawa niya pero kalaunan ay sumabay na rin. Buti na lang nakapagsipilyo na ako. Bumaba ang hawak niya sa likod ko. Napadaing ako roon. Nang maramdaman kong pilit niyang inaalis ang suot kong robe ay bumitaw na ako sa halik. Baka kung saan pa mapunta.

"Baby?" Sumimangot siya.

"Agang-aga. Masakit pa, okay?"

Ngumisi siya. "Hmm, sorry, baby. Maybe later?"

"Adik!" Hinampas ko siya at nagulat na naman ako nang mabilis niyang hinalikan ang labi ko. Kinagat niya pa ito.

Gosh!

Napahawak ako sa labi ko. I'm sure namumula na ito sa ginawa niya.

"What was that for?" Kunot noong tanong ko.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin