CHAPTER 34

13.3K 206 8
                                    

ERIN'S POV

Dumaan ang Tuesday ng maayos hindi ko nga namalayan. Ngayon na kami pupunta sa amin. Ngayon na ang kaarawan ng aking pinakamamahal na Mudrakels!

"Hoy! Gaga! Bilisan mo nga riyan!" Rinig kong sigaw ni Carla. Napalingon ako sa may pintuan at naroon siya nakatayo habang nagsusuklay.

"Maghintay ka nga! Nag aayos pa ako eh!" Sigaw ko rin.

Sinimulan ko na rin ang pag aayos ng aking mukha. Lumapit naman siya sa'kin saka ngumiti.

"Bakit ganiyan ka makangiti?" Tanong ko.

"Psh! Masama bang ngumiti ha? Sabihin mo? Masama?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.

"Sinabi ko ba ha? OA nito!"

"Psh. Hmm," napalingon ako sa kaniya. "Masaya ako."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Masaya ka na niyan?"

"Psh! Seryoso ako 'no! Masaya talaga ako. " Tumahimik na ako. Mukhang seryoso nga siya.

"Masaya akong makakauwi ka na rin sa loob ng dalawang taon. Ngayon ka na lang ulit makakauwi sa atin." Nakangiting sabi niya.

"Sa atin? Bahay mo?" Pang aasar ko.

"Psh! Seryoso 'yong usapan tas babarahin mo ako! Kaimbyerna ka naman e!" Pag iinarte niya.

Tumawa ako. "Punyemas! Biro lang e. Sige continue."

"Psh! Bahala ka na nga! Basta bilisan mo. Hihintayin na lang kita sa baba." Inis niya pang sabi bago lumabas ng kuwarto ko. Natawa naman ako.

Pikon e.

Pinagpatuloy ko na lang ulit ang pag aayos nang magvibrate ang cellphone ko.

Bakit ba ang daming istorbo?!

Abby calling....

"Hello?"

"Oh! Hello!" Galit niyang tugon. Luh.

"Oh, eh? Bakit galit ka naman yata?"

"Kainis kang babae ka!" Saglit ko pang nailayo ang phone ko sa biglaan niyang pagsigaw.

"Aray ha? Punyemas! Masakit." Sigaw ko rin.

"Ano ba! Bakit ba sumisigaw ka?!"

Luh? Okay ka lang?

"Sinigawan mo ako e!"  Huminga ako ng malalim. "Bakit ka ba napatawag?"

"Ha? So? Wala kang balak sabihin sa'kin?!"

"Isang sigaw pa! Ibababa ko 'to!"

Biglang tumahimik sa kabilang linya. Napairap ako.

"Psh! Nakakainis ka naman kasi e! Hindi mo man lang sinabi sa'kin na uuwi ka sa inyo ngayon!"

Oo nga pala! Nalimutan ko!

Napanguso ako. "Eh ano.."

"Ano?! Wala ka talagang balak 'no?"

Naiimagine ko na agad ang itsura niya. Nanlalaki ang mga mata at pihadong nakapamaywang pa. Gosh!

"Eh! Nalimutan ko e. Sorry na!"

"Psh! Sorry mo mukha mo!"

"Ano ka ba! Nakalimutan ko lang talaga!"

"Magkasama kaya tayo kahapon! Baliw! Magkasama tayo buong maghapon at nakalimutan mo talaga?! Ha! Aba't! Eh, kasi kasama mo lang 'yang si Carla, nalimutan mo na ako!" Pagtatampo niya, natawa naman ako.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu