CHAPTER 57

25.9K 337 25
                                    

ERIN'S POV

"I love you so much, Erin.." bulong niya sa gitna ng mga halik. Tumulo ang luha ko.

"I love you. I love you." Paulit ulit niyang bulong sa'kin na parang hindi ko naintindihan.

Tumango ako. Tumigil siya sa paghalik. Ipinatong niya ang noo sa noo ko.

"Mahal kita. Erin. Ikaw lang, maghihintay ako..pangako."

"Jeoun achimnida.."

Natauhan ako at agad na napatingin sa bumati sa akin. Si Dr. Park Jin Hye. Ngumiti siya at pumasok. Napatayo naman ako at bahagyang yumuko.

"Jeoun achim." Nakangiting bati ko.

*Good morning*

Ngumiti rin siya at sinenyasan akong maupo. Nagsimula akong ayusin ulit ang mga gamit ko. Isa-isa ko itong nilalagay sa box.

"Is there something wrong, Dra. Shawn?" Tanong niya sakin.

Ngumiti ako at umiling. "Nothing, Doc."

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa mga bisig ni Red noong panahon na 'yon. Basta ang alam ko lang, pagkatapos noon ay mabilis akong umalis at pinagpatuloy ang naging desisyon ko. Namalagi ako rito sa South Korea. Sa Seoul. Noong una, hirap na hirap akong makihalubilo sa mga tao, dahil wala akong alam sa mga lenggwahe nila. Pero ang iba naman ay marunong magsalita ng English. Ilang taon akong nagdusa rito. Gabi gabing dinudugo ang ilong ko dahil nauubusan ako ng baon sa pag eenglish! Idagdag mo pa ang lenggwahe nila!

Jusme! Ligwak na huhu.

Masaya naman ako na tinulungan ako ni Lolo, Lola at Jeremy para sa mga bagay bagay. At limang taon na ako rito. Balak ko na ring umuwi ng Pilipinas ngayon! Nangako kasi ako kina Mama Elena, Papa at Mama Elaine na uuwi na ako ng bansa. 'Di na raw nila kayang mamalagi pa ako rito.

Napagdesisyunan kong umuwi na nga. Natawa ako nang maalala ang palaging sinasabi sa'kin ni Papa.

"Akala ko ba magbabakasyon ka lang diyan? Ang haba ng bakasyon mo ah? Limang taon?" Naiiling na lang ako pag sinasabi niya sa akin ang linyang iyan.

Nagalit sa'kin sina Carla at Abby sa pag alis ko ng bansa. Bakit daw hindi nila alam na ganito? Bakit daw hindi ko sinabi? Ipinaliwanag ko naman pero sarado ang isip nila ng mga oras na 'yon. Pero napatawad din nila ako nang sabihin ko kay Carla na nakita ko ang Kpop Idol Group na Seventeen.

"Waah? Talaga? Huhuhu, ang daya mo!!! Pinapatawad na kita!! Video mo naman sila oh?" Umiiyak siya habang ngawa ng ngawa sa'kin. Halos sumakit naman ang tiyan ko sa katatawa.

Pinatawad ako bigla?! Hahaha!

Syempre 'di ko na rin alam ang balita kay Red. Pinutol ko lahat ng komunikasyon sa kanya. Hindi ko na alam kung anong mga kaganapan sa buhay niya. Limang taon na rin? Siguro 'di niya na ako nahintay at may bago na siya. Lagi kong nakakausap si Carla at Abby pero tuwing may natatanong ako na connected kay Red ay panliliitan niya ako ng mga mata at aasarin na hindi pa raw ako nakakamove on.

"Hay, ewan ko sa'yo Erin! Nakamove on na 'yong tao tapos ikaw! Nandiyan pa rin? "

Napapasimangot ako lagi pag sinasabi niya iyan. Hindi naman madaling makalimot. Oo, alam kong kasalanan ko kasi mas pinili kong iwan siya kesa sa balikan. Pero sabi niya maghihintay siya? Sabi na at ang landi landi niya! Hindi niya ako nahintay!

Sumasakit ang puso ko pag naiisip kong hindi niya na ako nahintay. Alam niya kaya ang nangyayari sa'kin? Hayy. Ewan!

Saka teka nga, siya naman itong nanloko ah. Bakit parang kasalanan ko pa? Hmp!

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now