CHAPTER 13

12.5K 240 5
                                    

DRAKE RED'S POV

Tss. Pambihirang babae.
Napailing na lamang ako dahil sa inasta niya

I sat down as I started to do my work here.
Um-absent muna ako sa trabaho. Bahala na muna si Luhan doon. Kaya naman niya 'yon at may tiwala ako sa kaniya pagdating sa trabaho.

Agad akong napahawak sa aking ulo nang makaramdam ng sakit. Fuck this hang over!

Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. Nangunot ang noo ko nang tumunog ang cellphone ko. Sino na naman 'to?

Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino man ang tumatawag.

"Hello?" I answered.

"Mr. Anderson! Nasaan ka na? Hindi ka ba papasok?" Tanong ng nasa kabilang linya.

Tiningnan ko ang screen ng phone. Tss. Si Luhan.

"Edi sana kanina pa akong nariyan kung papasok ako." Walang ganang sambit ko habang patuloy pa rin sa pagpipindot sa aking laptop.

He scoffed. "Your parents are here."

Agad akong napatigil sa ginagawa. What? Tss. Ano naman kayang ginagawa nila roon?

"You sure? Pag ako, ginogood time mo, Luhan."

Kasi baka nang t-trip na naman 'tong tukmol na 'to.

"Dude, why would I do that? Narito sila. Anong akala mo sa akin ah? Bilisan mo na riyan."

Napailing na lamang ako at agad nang pinutol ang tawag.

Nagmadali akong mag-ayos ng sarili at nang matapos ay agad akong pumunta roon.

Inis kong hinampas ang manibela. Tss! Traffic pa. Nice.

Anong oras pa ako makakapunta roon?

Inip na inip na ako sa kahihintay kung uusad pa ba 'to. Tss. Ang haba-haba pa.

Ilang sandali pa'y gumalaw na rin naman ang mga sasakyan. Buti naman! Akala ko maghihintay pa ako ng ilang oras dito.

I immediately parked the car as soon as I arrived. But before I could even get out of the car, my eyes caught sight of a woman entering a restaurant. Looks like familiar. Is that the stupid woman?

Ano namang gagawin no'n doon? Tss. Hindi naman yata siya 'yon.

Hindi siya 'yon.

At ano namang pake ko kung siya 'yon?!

Bahala siya! Yeah.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumungad sa akin si Mommy at Daddy. Nakaupo sila sa sofa rito sa office ko. Nagkukuwentuhan sila kasama si Luhan. Buti naman at narito itong tukmol na ito.

Tumikhim muna ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Napansin agad ako ni Mommy.

"Oh! My son!" Bulalas ni Mom at agad na humalik sa akin. Ngumiti naman ako at umupo sa harap nila.

"Good morning, Mom. What are you doing here?"

"Won't you even greet me?" Malalim ang boses na sambit ni Dad.

"And why would I?" Inis na sagot ko sa kaniya.

Tumikhim naman si Mom at mabilis na pumagitna sa aming dalawa.

"Enough my gentlemen! Kayong dalawa talaga." Sermon niya sa amin.

I have never been in good terms with my Dad. When it comes to him, everything I do is always wrong. Nakakapagod, ganoon na lang palagi. He thinks I will never do anything right, like I won't achieve anything. He opposes all of my decisions. He didn't even approve of my past relationship with Clarisse. Maybe the only thing he liked was when I got married to Erin. Tss. I don't know why he's so fond of that woman! What did he see in her? Maybe that's just how it is when someone gets old. Their vision becomes blurry.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now