CHAPTER 23

13.1K 245 56
                                    

ERIN'S POV

Napapikit na lamang ako sa inis. Kakalbuhin ko talaga 'tong pabebeng Macy na 'to!

Pumunta agad sa harapan ko si Red at tiningnan muna si Macy saka bumaling sa akin.

Natawa pa ako nang maisip na hindi niya muna talaga tinulungan 'yong pabebeng nakasalampak sa sahig?

"What did you do to her?" Ramdam ko ang galit niya.

Luh? Ayos ka lang? Wala naman akong ginawa sa kaniya.

Inirapan ko siya bago magsalita.

"Bakit 'yan agad ang tanong mo?" Mariin ko siyang tiningnan. "Ako agad? Por que ganiyan ang itsura niyan, ako na agad?"

Sinamaan niya ako ng tingin bago pumunta sa puwesto ni Macy at saka ito tinulungan.

Aba buti naman. Baka magmukha na siyang basahan diyan.

"Are you okay?" Si Red. Hawak niya 'yong braso niyang may sugat.

Nagulat ako nang biglang humikbi si Macy. Hala siya. Umiyak?

Hawak-hawak niya 'yong kamay ni Red at mukha talaga siyang aping-api.

"Si E-Erin. Binasag niya 'yong vase and then tinulak a-ako." Humihikbing sambit niya.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Totoo? Ginawa ko 'yon?

Lumingon sa'kin si Red at galit talaga siya base pa lang sa pag-igting ng panga niya.

Tumayo siya at iniwan niya doon si Macy. Lumapit siya sa'kin. Napaatras ako. Mahigpit niya akong hinawakan sa balikat. Napangiwi ako dala ng sakit.

"Anong pumasok sa utak mo at ginawa mo 'yon?!" Nanggigigil niyang tanong.

Tinitigan ko lang siya. Bahagya pa akong natawa. Naniniwala talaga siya?

Grabe.

Nakakaoffend na mas pinapaniwalaan niya 'yang babaeng 'yan kaysa sa akin.

Humigpit ang hawak niya nang hindi ako sumagot.

"Ano ba! Masakit ah!" Tinarayan ko siya. "Wala naman akong ginawa sa kaniya!" Pilit kong inaalis ang kamay niya sa akin.

"What?! Anong wala? Sinabi mo sa akin na sa'yo lang dapat si Drake! At sinabi mo ring sasaktan mo ako pag lumapit pa ako sa kaniya." singit ni Macy na naluluha pa.

Pucha! Talagang pinaninindigan niya 'yan ah.

Inis ko siyang tiningnan. "Hoy! Ikaw na babaeng kinulang sa tela! Wala akong ginawa sa'yo!" Ngumisi siya sa akin. Lalo akong nairita. "Ilang pahina ka ba ha? Sobrang kapal mo!!" Inis ko siyang dinuro. Mabilis akong naharangan ni Red.

Hindi naman siya nakapagsalita at bigla na lamang uling umiyak.

"Ganiyan ka ba talaga ah?" Napatingin ako kay Red nang magsalita ito.

Nangunot ang noo ako nang magtama ang paningin namin. Masama pa rin ang tingin niya sa'kin.

Pakialam ko?

"Are you that desperate?" Humigpit pa lalo ang hawak niya sa'kin. "Lahat gagawin mo, mahalin lang kita?" Nakaigting ang kaniyang panga.

Napanganga naman ako sa gulat. Tumagilid pa ang ulo ko sa pagkamangha.

Shuta! ang assuming ng unggoy na 'to!

Pagak akong natawa sa sinabi niya. Ang sarap niyang iuntog sa sahig para magkasugat din siya gaya ng babae niya.

"Naniniwala ka talaga sa kaniya?" Tanong ko.

Hindi siya nagsalita. Nanatili akong nakatitig sa kaniya.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now