CHAPTER 56

25.2K 301 24
                                    

ERIN'S POV

Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa gate kung saan siya lumabas. Gusto ko siyang habulin at yakapin ng mahigpit. Bawiin lahat ng mga nasabi ko. Pero pinipigilan ako ng isip ko. Hindi naman agad agad mawawala ang sakit eh. Gusto ko munang maghilom ang sugat. At hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya, o magiging kami ba ulit.

Hindi ko alam.

Huminga ako ng malalim at nagdesisyong pumasok. Napatigil ako nang pagbukas ng pinto ay ang sabay-sabay na pagtingin sa'kin nina Papa, Mama Elaine at Mama.

Dami kong Mama.

"Ano pa pong ginagawa niyo rito?" Nakangiting tanong ko habang naglalakad palapit sa kanila.

Tumingin sa'kin si Papa. "Nag away ba kayo ni Drake?"

Nawala ang ngiti ko sa labi at kinabahan.

"A-Ah, hindi po."

Umiling siya at tumawa. "Hindi ka makakapagsinungaling sa'kin, anak."

Napaismid ako. "Nakikinig kayo eh."

Tumawa siya. "Alam na alam ah?"

Sabi na! Ako pa?

"Erin, pag usapan niyo kaya, naghiwalay na ba kayo?" Sabi ni Mama Elaine.

Gulat ko naman siyang tiningnan.
"Paano niyo po nalaman?"

Ngumisi siya. "Through your friend."

Pusta! Si Carla???

"Ahh, si Carla?"

She just smiled at me. "Well."

Paano naman nalaman noon?

"Ma, gusto ko pong umalis." Simpleng sambit ko.

Natigilan silang tatlo at napatitig sa'kin.

"A-Anong pag alis? Gusto mong magbakasyon?" Tanong ni Papa.

"Opo." Tumango ako.

"Sige, saan mo gusto?" Ngumiti si Papa.

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanila. "Kina Lola po."

Literal na nalaglag ang panga nila sa sinabi ko. Napatayo si Papa at Mama. Si Mama Elaine ay napatakip pa ng bibig sa gulat.

Anong problema?

"W-What? B-Bakit doon?" Si Mama.

"Ma, matagal na rin ng huling kita ko sa kanila. At para makapagtrabaho rin ako. Sayang naman ang natapos ko. Hindi ko na enjoy 'yong pagiging ako nang mag asawa ako."

Tumayo si Mama Elena at lumapit sa'kin. "Ginagawa mo ba ito para makalayo kay Drake, anak?"

Nanlaki ang mga mata ko sa itinanong niya. Tiningnan ko siya at nanatili ang tingin niya sa'kin. Naghihintay ng sagot ko. Napapikit ako.

Bakit ang galing niya?!

"Ma, hindi naman sa ganoon. Para sa sarili ko rin. I need space to breathe. At hindi ko 'yon magagawa kung nandiyan siya. Ayokong makasanayan na lagi siyang nandiyan. Gusto kong maging malakas ako, na makakaya ko kapag umalis siya. Na kaya ko kahit na walang Red sa buhay ko." Mahabang paliwanag ko.

Tumango siya at bumuntong hininga. Natahimik din ang dalawa sa likod namin.

"Anak, tatakbuhan mo ang problema mo. Hindi ba't mas maganda kung kausapin mo siya. Pakinggan niyo ang bawat isa."

Tumingin ako kina Mama Elaine at Papa. Nag aalala ang mga tingin nila. Pero gusto ko talaga.

"Ma, gusto ko rin pong magpahinga. Sa lahat. Mama, eighteen lang ako nang magpakasal kami. Wala pa akong napapatunayan sa sarili ko. Almost 2 years ko siyang kasama. At sa panahong iyon, hindi naging maganda ang pagsasama namin. Gusto kong bigyan namin ang isa't-isa ng oras para magpahinga. 'Yon lang, Ma."

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora