CHAPTER 16

13.2K 243 20
                                    

ERIN'S POV

Mabilis akong pumasok sa loob ng kuwarto. Ano bang sinasabi no'n ni Red? Bakit naman kasi sinabihan ako no'n ng ganoon? Duh? Mukha ba akong sinungaling? Gosh!

Hindi ko na lamang muna pinansin 'yong sinabi niya. Nababaliw na yata 'yong gunggong na 'yon. Humiga na lang ako sa kama. Nakahiga rin sa wakas. Parang ang tagal kong hindi nakahiga ah. Ipinikit ko na ang makokokyot kong mga mata. Inaantok na talaga ako eh.

Nagising ako dahil sa pagtunog ng walang'yang alarm clock. Kinapa-kapa ko ito at agad na pinatay. Nag-inat pa ako sandali at saka bumangon.

It's six in the morning. Umupo muna ako saglit at naligo na rin.

Pagkatapos ko'y nagbihis at nag ayos ng kaunti. Inilugay ko muna ang buhok ko, basa pa eh.

Saglit pa akong tumingin sa salamin at bumaba na rin. Tulog pa siguro si Red. Wala pa sa kusina eh.

Nagluto agad ako at nang matapos ay inihanda ko na sa hapag. Whoa! Agang-aga pinagpapawisan ang maganda. Char.

Inalis ko na ang suot kong apron. Tatawagin ko lang si Red. Tumungo na 'ko sa kaniyang kuwarto.

Wala namang masama? Tinawag niya rin naman ako kagabi.

Kakatok pa lang sana ako nang bigla itong bumukas. Bumungad sa 'kin ang bagong gising na si Red. Natulala ako saglit.

Ang gulo pa ng buhok niya. Bahagya ring nakapikit ang himalang maamo niyang mga mata. Ito ang nagpatindi sa nararamdaman ko ngayon, topless siya. Opo, ang mataray kong asawa ay topless sa harap ko. Ang hot niya naman. paki spell ng ulam? R E D po.

"Tss. Laway mo." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakangisi na siya sa 'kin.

Pasimple ko namang pinahid ang gilid ng labi ko kung may laway nga, baka nangt-trip na naman 'to.

Ngunit natigilan ako nang may makapa nga roon. Eww. Naglaway ako?

Napalunok ako nang natawa siya. Bakit ang guwapo niya tumawa?

"M-Magdamit ka nga!" Sigaw ko sa kaniya.

Siyempre biro lang. Mas gusto ko kung palagi siyang nakaganiyan.

Nahampas ko ang sarili sa isipan. Ang harot!

Kinagat ko ang labi at pinanatili ang mga mata sa mukha niya. Kahit na may gusto pa 'kong tingnan. No. Erin!

Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa baba. Titingnan ko lang naman. Ano namang masama roon?

Napasimangot ako nang makitang nakashorts siya. Punyemas! Bakit?!

"Why? Don't you like it?" Nakangisi na naman siya.

Of course, I like it.

Napakurap-kurap ako. Ang harot ng utak ko, opo.

"O-Oo. Kaya magpalit ka na." Utos ko sa kaniya. Siyempre biro lang ulit. Kung buong araw ba naman siyang nakaganyan, edi laging ayos.

Bahagya niyang sinandal ang katawan niya sa hamba ng pinto at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng short niya.

Tengene, marupok ako.

Umiling-iling siya at bahagya pang itinagilid ang ulo. Pinagkatitigan niya ako at saka ngumisi na naman. Ano bang trip nito?

Trip ba nitong mahimatay ako?

"Iba 'yang nasa mga mata mo."

Napairap ako. So? Inaasar niya 'ko? Sige patulan natin.

Ngumisi rin ako. Mga mukha na kaming mga aso rito sa kangingisi sa isat-isa eh.

"What are you doing, Red? Seducing me?" I bit my lower lip and stared at him.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now