CHAPTER 47

12.1K 196 19
                                    

ERIN'S POV

Nakabusangot ako habang nakaupo sa mahabang sofa. Kanina pa ako hindi mapakali. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang pagkairita.

Sinilip ko ang oras sa wall clock. Lalo akong nainis nang makitang gabi ngunit wala pa rin siya.

Idinaan lang ako ni Red rito sa bahay at buong ngiti niya pang inihatid si Clarisse.

Hindi na ako nakapagsalita sa bilis ng pangyayari at mukhang hindi naman nila kailangan ng permiso ko.

Bakit ganoon? Ako 'yong asawa diba?

Lalo pa akong nairita nang maalala na kinilig pa ang bruhang si Clarisse. Ngumisi pa sa akin si Derus at hanggang ngayon, wala pa rin si Red.

Sige nga! Anong iisipin ko? Wala man lang siyang text.

Maraming tumatakbo sa utak ko ngayon.  Mga iba't-ibang senaryo na maaari nilang gawin. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Red pero kasi, ano ba naman ako sa kanya?

Ako lang 'yong panandaliang pamalit sa puwesto ng babaeng mahal niya. Ako lang si Erin. Ganda lang ang meron ako. Well, totoo naman.

Pabalik-balik ako sa kusina, kuwarto, garden at kung saan-saan pa. Para lang malibang ako sa kahihintay sa kanya. Pero sinong tao ang malilibang habang naghihintay sa asawa mong nasa ibang babae?

Gabi na at wala pa rin siya. Bakit kasi hindi niya na lang ako isinama sa paghatid roon sa ex niya? Nakakainis na talaga. Tatalakan ko talaga siya kapag umuwi siya! Buwisit!

Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang bumukas ang pintuan. Agad kong hinarap kung siya at hindi nga ako nagkamali.

Nakatulala lang siya at parang tangang habol ang hininga. Hindi niya siguro ako napansin kaya naman tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Red.." marahang tawag ko sa pangalan nito.

Nagulat siya at agad na napatingin sa akin. Para bang gulat na gulat siyang makita ako. Problema nito?

"Hoy!" Tinapik ko na siya. Ipinilig niya ang ulo at tumingin sa akin.

"E-Erin..bakit?" Nangunot ang noo ko.

Nangunot ang noo ko. "Anong bakit? Buwisit ka! Bakit ngayon ka lang ah?" Nameywang ako sa harapan niya. Hindi naman siya makatingin sa akin.

"H-Hinatid ko si C-Clarisse diba?" Bakas sa boses niya ang kaba. Matinding pagkakakunot ng noo ang ginawa ko.

"Alam ko. Eh bakit ngayon ka lang? Gaano ba kalayo ang pinaghatiran mo at sobrang ginabi ka? At bakit parang tumakbo ka pauwi rito sa tindi ng pagkahingal mo?" Ramdam ko na ang panlalaki ng mga mata ko.

Bumuntong hininga siya. "Malayo 'yon kaya ngayon lang ako." Simpleng sagot niya. Tinitigan ko siya.

Nalimutan niya na bang may kasalanan siya sa akin ah? Nalimutan niya na agad?

"Siguraduhin mo lang, Red ah." Nangbabanta ang boses ko.

Yumuko siya at hindi makatingin sa akin. Kinabahan ako pero hindi ko pinahalata. Tinitigan ko siyang mabuti. Mula sa nakabukas niyang polo, hanggang sa kanyang sapatos. Binalik ko ang tingin ko sa  mukha niya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tinarayan ko siya sa tanong niya.

"At bakit hindi ah? Alam mo bang may kasalanan ka pa sa akin ah?" Nagsimula akong lapitan siya. Nagulat siya roon. "Dumating lang 'yon, nakalimutan mo na ako. Bakit, Red?-" napatigil ako nang mapansin ang bagay na nasa labi niya. Tinitigan ko ito.

Pansin ko ang pagkagulat niya.

"E-Erin.." tawag niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin, walang sabi-sabi kong pinahid ang kanyang labi. Napaatras siya ng bahagya. Tinitigan ko ang aking daliri at napangisi nang makumpirma kung ano ito.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon