CHAPTER 12

12.7K 231 13
                                    

ERIN'S POV

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak na parang naagawan ng laruan. Hindi ko alam bakit ganito na lang ang iyak ko. Kung dahil ba sa mga sinabi niya sa akin na mahal niya pa rin si Clarisse? O dahil sa sinabi niyang pera lamang ang habol ko.

Oo mukha akong pera, pero hindi naman sa kaniya. Edi sana nagpakasasa na ako sa mga pera niya ngayon! Oo, buraot ako pero hindi sa kaniya.

Grabe naman talaga magsalita 'yang si Pula. Tagos na tagos eh.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam nang paninikip. Kinapa ko ang dibdib ko at lalo pang naiyak.

Isa rin yata sa dahilan kung bakit ayaw niya sa akin, dahil baby pa ang mga alaga ko. Pang-bata ang laki ng dibdib ko. Huhuness.

Nang makontento ako sa aking mga iniluha, nagpasya na akong tumayo. Kanina pa pala ako nakasalampak sa malamig na sahig. Kainis.

Lumapit ako sa cabinet ko at naghanap ng malinis na damit. Ang kati-kati na kasi ng suot kong dress. Kaloka, ilang tabo na ang iniluha ko tapos hindi pa pala ako nakakapagbihis. Huhu! Punyemas naman kasi si Red eh! Siya talaga may kasalanan!

Napatingin ako sa salamin at halos manlaki ang mga mata ko. Pagang-paga ang mga mata ko at parang nakagat ng kung ano. Kahit nga nilakihan ko na ang bukas ng aking mga mata ay maliit pa ring tingnan. Siyempre paga nga.

"Erin. You stop. Stop crying." Sermon ko sa sarili ko habang nakatingin pa rin sa salamin.

Inayos ko ang ilang hibla ng aking buhok at inipit sa likod ng aking tainga. 

"Huwag ka nang umiyak ah? Hindi bagay sa'yo. Nakalimutan mo na ba 'yong batas mo?" Kahit mukhang tanga ako ngayon, ayos lang. Ako lang naman ang tao rito.

Naks may pa-batas.

Tumulo ang luha ko. Inis ko 'yong pinalis. "Ang batas ng isang Erin Gaile, walang iiyak kahit sobrang sakit na. Walang iiyak, lalo na sa harapan niya. Hindi ka susuko. Kasi ang mga diyosang katulad ko hindi iniiyakan ang unggoy na Pula na 'yon!"

Buong tapang ko pang itinaas ang mga kamay at tumango-tango pa sa aking repleksyon.

Ngumiti ako. "Mapapagod pero hindi susuko."

Kaya ko 'to! Saan pa at naging Erin ang pangalan ko? Erin means Eeyak lang pero hindi susuko.

Hehe. Waley.

Inayos ko pa ang buhok at lumundag na sa aking kama. Gosh! Ang sarap magpahinga! Nakakapagod ang araw na 'to! Lalo na 'yong kasama kong unggoy dito.

Tutulog muna siguro ako.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Teka! Sa kuwarto 'yon ni Red ah?

Oh, ano naman? Matulog na, Erin.

Eto na nga. Tutulog na.

Ngunit halos magkaugaga na ako para lamang makatayo at tumakbo palabas ng kuwarto.

Sinong marupok?

Oo na ako, punyemas.

Pagkalabas ko ng kuwarto, nakita ko agad si Red na nakabihis. Mukhang may lakad 'to ah. Saan naman 'to pupunta? Gabing-gabi na eh.

Pababa na siya ng hagdan nang maisipan kong habulin siya.

Oh, tatanungin ko lang naman. Wala namang masama roon diba?

"Teka, saan ka pupunta?" Tanong ko agad pagkahawak ko sa braso niya.

Nuks. May pahawak.

Hinarap niya naman ako at blangko ang mukhang tumingin sa akin.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now