75: Family

2.8M 59.3K 13.5K
                                    

CANDICE

\

"Ano pang kailangan mo?"

"Nagugutom ka na ba?"

"Gusto mo ng tubig? O kaya juice?"

Nagkatinginan kami ni Lucas sa isa't isa tapos sabay kaming natawa. Masisisi n'yo ba kami? Nakakatawa naman kasi 'yong si pusa, e. Simula noong nagising ako tapos na-check ako ng doktor, hindi na siya mapakali. Akala mo, batang pasyente ako.

"Bakit n'yo ako pinagtatawanan?!" sabay simangot. Para talagang bata, ang sarap niyang kurutin sa pisngi, e. "Wifey! You're so bad to your hubby!"

"Ikaw naman kasi, hubby, okay lang ako kaya pwede ba, kumalma ka?"

"Oo nga, Jaydee. Sumasakit ang ulo namin sa 'yo."

"Aish! Fine." Parang nagmamaktol na bata, psh. Humalukipkip na lang siya tsaka umupo sa tabi ko.

Bumukas bigla 'yong pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Mama. Lumapit agad siya sa 'kin tapos niyakap ako. Alam mo 'yong yakap na wala nang bukas? Mukhang lahat sila, na-miss ako, ah. Sabagay, dalawang buwan ba naman akong tulog, e.

"Candice, sobrang saya ko na gising ka na!" Hayun, naiyak na si Mama. "Akala ko, mawawala ka rin sa 'kin. Buti at dininig ni God 'yong panalangin ko." Hindi pa rin bumibitaw sa 'kin si Mama, medyo nahirapan na akong huminga.

"Um... Mama?"

Na-realize din ni Mama 'yong sitwasyon namin kaya kumawala rin siya sa pagkakayakap niya. Pinunasan niya 'yong luha niya. "Sorry, anak, masaya lang talaga ako."

"Masaya rin ako kasi nagising na ako. Kung sumama pala talaga ako kay Papa, ang lungkot n'yo siguro." Ngumiti ako sa kanila. "Ngayong nandito na ako, kailangan masaya na tayong lahat, okay?"

Nagtinginan silang tatlo tapos napangiti na lang din. Ayokong magdrama, gusto ko masaya lang kami. Alam ko namang noong tulog ako sa ospital, lahat sila, malungkot at umiiyak.

"Nakausap n'yo na ba 'yong doktor?"

"Opo, Tita, he wants a word with you."

"Okay, kakausapin ko lang 'yong doktor, maiwan ko muna kayo." Niyakap ulit ako ni Mama tapos lumabas na siya ng kwarto.

"Aalis na rin ako, epal lang ako, e," sabi naman bigla ni Lucas.

"Ulol, buti alam mo."

Tiningnan ko nang masama si Jeydon. Ang rude niya kay Lucas, parang kanina lang, nagbati na sila. Echusero!

"Yah, hubby!" Tiningnan ko si Lucas. "Thank you, Lucas, salamat talaga sa lahat. Mag-usap na lang ulit tayo kapag nakalabas na ako ng ospital. Ingat ka, ha?"

"Wala 'yon, Noona. Ikaw pa?" sabay kindat sa 'kin tapos hinawakan niya 'yong kamay ko. Bigla namang sumulpot si Jeydon at inalis niya 'yong kamay ni Lucas sa kamay ko. Problema ng pusang 'yon?

"Hoy, anong problema mo, Jeydon? Psh."

"Nagseselos na ako, e. Sige na, alis na." Tinulak niya pa si Lucas palabas ng pintuan. Selos King kahit kailan. Noong nakaalis na si Lucas, sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang rude mo talaga, hubby."

Ang seryoso ng tingin niya sa 'kin. Lumapit siya tapos umupo sa tabi ko. Akala ko may sasabihin siya pero nilapit lang niya 'yong mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na ng mukha niya sa 'kin, dama ko na nga 'yong hininga niya. Nakatingin lang ako sa brown niyang mga mata na parang tinatawag ako.

"I missed you so much."

OMO! Nag-init 'yong pisngi ko! Ang hot kasi no'ng pagkakasabi niya no'n. Seryoso 'yong boses niya tapos may pagka-husky, at ang lapit pa niya sa 'kin, ah. Ano ka ba naman, Jeydon? Kakagising ko lang, gusto mo na akong patayin! Patayin sa kilig! Kainis ka naman, e! Hehe.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon