61: Phoenix

3.4M 63.4K 28K
                                    

"Tatlong estudyante ang nabugbog nang walang kalaban-laban kagabi malapit sa school."

Nilapag ni Charles 'yong diyaryo sa harap namin ni Marky. Headline 'yong balitang 'yon sa diyaryong hawak niya. "At lahat ng grupo sa distrito, tinuturo 'yong Phoenix."

"Ano bang balak nila? Napapadalas na 'to, ah." Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko sa diyaryo. Kahit kailan, hindi kami gumawa ng ganooong kalokohan noong nasa Phoenix pa kami.

Tumayo si Marky sa upuan niya. Napatingin naman kami ni Charles sa kanya, halatang galit kasi siya.

"Malinaw naman kung anong gusto nila, e. Gusto nilang ipaalam sa 'ting lahat na dapat natin silang katakutan. Gusto nilang matakot ang lahat ng gangs sa kanila. How pathetic." Nagsindi siya ng yosi. Lumapit siya sa litratong nakasabit sa kwarto ng tambayan.

Litrato namin 'yon three years ago, noong nasa Phoenix pa kami. Si Jeydon, 'yong leader ng grupo namin; katabi niya si Shawn, 'yong kanang kamay niya at tinuring niyang best friend. Siya, ako, si Charles tsaka si Ginno. Kami 'yong pinakaunang mga miyembro ng grupo, 'yong bumuo sa Phoenix. Malakas tsaka kinakatakutan 'yong Phoenix pero hindi namin gawaing lumaban sa ibang gang na walang kalaban-laban dati kumpara sa nangyayari ngayon. Kung tutuusin, katulad lang kami ng ibang ordinaryong gang. Ang pagkakaiba nga lang, mayayaman at makapangyarihan 'yong mga kasali sa grupo namin.

"Kung alam lang natin kung sino 'yong bagong leader ng Phoenix." Tumayo ako at kinuha 'yong phone ko para i-text si Jeydon. "Kailangang malaman 'to ni Jaydee."

"Huwag mong ipaalam ito sa kanya, Troy."

Pareho kami ni Charles na nagtaka sa sinabi ni Marky.

"Bakit hindi, Kie? Tama si Troy, e. May karapatan siyang malaman."

"Kilala n'yo si Jaydee. Padalos-dalos siya sa lahat ng bagay kaya kapag nalaman niya 'to, sigurado akong magwawala 'yon. Hindi 'yon titigil hangga't hindi niya nahahanap 'yong pinuno ng Phoenix, we can't risk it. Mahirap kalabanin 'yong kalabang hindi natin kilala."

Napaisip ako sa sinabi ni Marky. Na-realize kong tama siya. Kilala namin si Jeydon, palagi siyang napapahamak dahil padalos-dalos siya sa lahat ng bagay.

"Anong gagawin natin?"

"Stick with the plan. Patatagin natin 'yong Badburn. Ako nang bahalang maghanap kung sino man 'yong bagong leader." Dumiretso siya sa pintuan pero pinigilan siya ni Charles.

"Sasama ako sa 'yo."

"Hindi na, Charles. Kaya ko 'to." Hindi siya nagpaawat, umalis siya roon. Kung saan siya pupunta, hindi ko alam.

"Anong balak niya? Hindi niya kayang harapin mag-isa 'yong bagong Phoenix. Charles, kailangan nating pigilan si Marky." Nag-alala ako para kay Marky. Alam ko kasing kayang pumatay ng Phoenix. Sa mga balita pa lang na nakuha namin, sila 'yong tipong walang pakialam kung anong gawin nila.

"Hayaan mo na siya, Troy. 'Yan ang gusto niya. Kilala mo si Marky, hindi niya ugaling magpaawat." Umupo si Charles sa sofa para maglaro ng PS3. Oo, nag-alala rin siya para kay Marky pero hindi naman niya kayang pigilan 'yong taong ayaw magpapigil.

"Kapag nakita ko talaga kung sino 'yong bagong leader ng Phoenix, makakatikim siya sa 'kin." Ininom ko 'yong isang baso ng brandy. Kapag bad trip ako, napaparami talaga ako ng inom.

"Huwag mo siyang maliitin. Kung basta-basta lang siya, madali lang natin siyang makikilala. Mabuti pa, bigyan mo na lang ako ng chicks." Nakangiti siya sa 'kin, 'yong ngiting parang nang-aakit. Binato ko tuloy siya ng lemon slice na galing sa inumin ko.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon